|
||||||||
|
||
你(nǐ)哪(nǎ)儿(er)不(bù)舒(shū)服(fu) 我(wǒ)头(tóu)疼(téng) 我(wǒ)拉(lā)肚(dù)子(zi)
20150326Aralin46Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino
Ang isa sa mga pinakamalaking problema ng mga dayuhan sa Tsina ay ang pagpapatingin sa doktor o pagbili ng gamot. Sa kanilang pagpunta sa doktor o pagbili ng gamot sa botika, ang mga "laowai," "wai guo ren" o mga dayuhang nagtatrabaho at naninirahan sa Tsina, kung minsan ay nagmumukhang gumaganap ng papel sa isang telenobela, dahil ipinapakita nila ang kanilang nais sabihin sa pamamagitan ng mga aksyon, gaya ng pag-ubo kunwari, o pagsaklot sa ulo para ipakita na kailangan niya ng gamot. Siyempre, higit na mas magiging madali para sa kanila kung masasabi nila ang kanilang nais sa wikang Tsino. At tungkol po diyan ang ating leksyong ito. Una, posibleng tanungin kayo ng doktor: "Saan sa iyo ang masakit?"
你(nǐ)哪(nǎ)儿(er)不(bù)舒(shū)服(fu)?
你(nǐ), ikaw o mo.
哪(nǎ)儿(er), saan.
不(bù), hindi.
舒(shū)服(fu), maginhawa.
Masakit ang ulo ko.
我(wǒ)头(tóu)疼(téng).
我(wǒ), ako o ko.
头(tóu), ulo.
疼(téng), sakit.
Narito ang unang usapan:
A: 你(nǐ)怎么(zěnme)了(le)?Anong nangyari sa iyo?
B: 我(wǒ)不舒服(bùshūfu)。Masama ang pakiramdam ko.
A: 你(nǐ)哪儿(nǎer)不舒服(bùshūfu)?Saan ang masakit?
B: 我(wǒ)头疼(tóuténg)。Masakit ang ulo ko.
At kung sira ang inyong tiyan, ganito ang inyong sasabihin: "Meron akong diyariya."
我(wǒ)拉(lā)肚(dù)子(zi).
我(wǒ), ako.
拉(lā)肚(dù)子(zi), magka-diyariya.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 你(nǐ)哪(nǎ)儿(er)不(bù)舒(shū)服(fu)?Ano ang problema?
B: 我(wǒ)拉(lā)肚(dù)子(zi)。Meron akong diyariya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |