Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Apatnapu't Anim Pagpapatingin sa Doktor

(GMT+08:00) 2015-03-26 10:27:48       CRI

先(xiān)量(liàng)一(yí)下(xià)体(tǐ)温(wēn) 什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)开(kāi)始(shǐ)的(de)


Paki-klik ang audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Kung mayroon naman kayong sipon, maaaring kailanganin ng doktor na kunin muna ang inyong temperatura. "Kunin muna natin ang temperatura mo."

先(xiān)量(liáng)一(yí)下(xià)体(tǐ)温(wēn).

先(xiān), muna.

体(tǐ)温(wēn), temperatura ng katawan; 量(liáng)体(tǐ)温(wēn), kunin ang temperatura ng katawan.

一(yí)下(xià), pariralang ginagamit bilang pang-abay kasunod ng pandiwa. 量(liáng)一(yí)下(xià)体(tǐ)温(wēn), kunin ang temperatura.

Narito ang ikatlong usapan:

A: 先(xiān)量(liáng)一下(yíxià)体温(tǐwēn)。Kunin muna natin ang temperatura mo.

B: 39度(dù)。你(nǐ)发烧(fāshāo)了(le)。Tatlumpu't siyam na digris. Mayroon kang lagnat.

Maaaring tanungin din ng doktor kung kailan nagsimula ang sakit ninyo. "Kailan ito nagsimula?"

什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)开(kāi)始(shǐ)的(de)?

什(shén)么(me), ano; 时(shí)候(hòu), oras o panahon; 什(shén)么(me)时(shí)候(hòu), kailan.

开(kāi)始(shǐ), simula.

的(de), katagang ginagamit kasunod ng pandiwa para magbigay-diin.

Narito ang ikaapat na usapan:

A: 你(nǐ)怎么(zěnme)了(le)?Ano ang problema?

B: 我(wǒ)拉肚子(lādùzi)。Mayroon akong diyariya.

A: 什么(shénme)时候(shíhòu)开始(kāishǐ)的(de)?Kailan ito nagsimula?

B: 从(cóng)昨天(zuótiān)开始(kāishǐ)的(de)。Nagsimula ito kahapon.

Mga Tip ng Kulturang Tsino:

Kadalasan, ang mga gustong magpatingin sa doktor ay nagpupunta sa mga ospital na kaanib ng institusyong nagkakaloob sa kanila ng segurong pang-kalusugan o health insurance provider. Gayunman, maaari rin namang sadyain ang ibang ospital, lalo na kung ang kaso ay pang-kagipitan. Iyong iba ay mas gusto ang mga gamot na kanluranin at iyong iba naman ay mas pinipili ang mga gamot na Tsino. Mayroon ding mga ospital na espesyalista sa mga problema sa mata, tenga, ilong at lalamunan o iyong tinatawag na E. E. N. T. at mga ospital na espesyalista sa pagpapaanak at sa sakit ng mga bata. Ang doktor ang magrereseta sa inyo ng gamot makaraang tingnan ang inyong kondisyon. Dalawang uri ng gamot ang mabibili sa botika: iyong gamot na nangangailangan ng reseta ng doktor at iyong hindi nangangailangan ng reseta.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)

非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>