Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Apatnapu Walo Sa Botika

(GMT+08:00) 2015-04-10 16:50:44       CRI

你(nǐ)试(shì)试(shì)这(zhè)种(zhǒng)药(yào) 这(zhè)种(zhǒng)药(yào)效(xiào)果(guǒ)不(bú)错(cuò)


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Masasabi namin mula sa aming imahinasyon at karanasan na ang mga tauhan ng botika ay maaaring magmungkahi ng ganito o ganoong gamot. "Subukin mo ang gamot na ito."

你(nǐ)试(shì)试(shì)这(zhè)种(zhǒng)药(yào).

你(nǐ), ikaw o mo.

试(shì), subukin; 试(shì)试(shì), subukin. Sa wikang Tsino, ang ilang pandiwa ay inuulit. Halimbawa, dito, sinasabi nating试(shì)试(shì) sa halip ng试(shì). Kung minsan naman sinasabi nating 看(kàn)看(kan), na nangangahulugang tingnan. Sa ilalim ng ganoong mga kondisyon, ang mga ito ay nangangahulugan ng subukin ang isang bagay o ang aksiyon ay nagaganap sa loob ng maikling panahon.

这(zhè), ito.

种(zhǒng), uri.

药(yào), gamot.

Pakinggan natin minsan pa ang ikalawang usapan:

A: 应该(yīnggāi)吃(chī)什么(shénme)药(yào)呢(ne)?Ano'ng gamot ang dapat kong inumin?

B: 你(nǐ)试试(shìshì)这种(zhèzhǒng)药(yào)。Subukin mo ang gamot na ito.

A: 行(háng)。Ok.

Sa pangkalahatang sabi, maaring magbigay sila ng paliwanag na gaya ng "Mahusay magpagaling ang gamot na ito."

这(zhè)种(zhǒng)药(yào)效(xiào)果(guǒ)不(bú)错(cuò).

这(zhè), ito.

种(zhǒng), uri.

药(yào), gamot o medisina.

效(xiào)果(guǒ), epekto.

不(bù), hindi; 错(cuò), masama. 不(bú)错(cuò), hindi masama.

Narito po ang ikatlong usapan:

A: 这种(zhèzhǒng)药效(yàoxiào)果(guǒ)不错(búcuò)。Mahusay magpagaling ang gamot na ito.

B: 知道(zhīdào)了(le)。有(yǒu)副作用(fùzuòyòng)吗(ma)?Meron ba itong masamang epekto?

A: 没什么(méishénme)副作用(fùzuòyòng)。Walang masamang epekto.

Mga Tip ng Kulturang Tsino.

Ang medisinang Tsino ay may kakayahang magbigay ng armonya sa katawan ng tao, at palakasin ang kanyang panlaban sa sakit. Kaunti rin ang masamang epekto ng gamot na ito samantalang hindi naman nababawasan ang kakayahang magpagaling ng sakit. Ito ang dahilan kung kaya't ang medisinang Tsino ang nagiging unang pagpili kung gumagamot ng mga talamak na sakit o kung ang mga may edad at mga bata ay nagkakasakit.

Ang mga botikang Tsino ay nakakapag-alok ng medisinang Tsino at ng maraming uri ng mga damong-gamot. Ang mga tauhan ng botika ay sumasailalim sa propesyonal na pagsasanay at nakakapaghanda ng damong-gamot para sa mga kostumer ayon sa kanilang mga preskripsiyon, na tinutukoy bilang "抓(zhuā)药(yào)". Sa karamihan ng kaso, ang aktibong sangkap ng damo ay kailangang makuha sa pamamagitan ng pagpapakulo. Ang prosesong ito ay tinatawag na decoction o "煎(jiān)药(yào)".

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)

非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>