|
||||||||
|
||
02150416melo.m4a
|
Pangulo ng kapulungan ng mga obispo sa Pilipinas, lumiham sa pangulo ng mga obispo sa Indonesia
IPINADALA kamakalawa ni Arsobispo Socrates B. Villegas ang isang liham kay Arsobispo Ignatius Suharyo Harjoatmodjo ng Jakarta sa ngalan ni Mary Jane Veloso, isang Filipina posibleng mabitay sa susunod na ilang araw.
Sinabi ni Arsobispo Villegas na nahatulan ng kamatayan si Mary Jane at ang pagtatangkang mabago ang desisyon ng hukuman ay tila walang patutunguhan.
Ipinaliwanag ni Arsobispo Villegas na isa si Mary Jane sa libu-libong mga manggagawang Filipino na umaalis at iniwanan ang pamilya upang mabuhay ng mas maganda. Isang ina si Mary Jane at walang inang aalis at iiwanan ang anak kung hindi interesadong mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya.
Sa pagtatanong sa Embahada ng Pilipinas sa Indonesia, nabatid na walang kakayahan ang naging court interpreter sa wikang Filipino. Bagama't magaling sa wikang Bahasa at Ingles, tanging wikang Tagalog lamang ang ginagamit ng akusado kaya't maaaring hindi naunawaan ng hukuman ang kanyang mga pahayag.
Hiniling niya kay Arsobispo Hardjoatmodjo na manawagan sa Pangulo ng Indonesia na bawasan ang parusa kay Mary Jane at payagang lumaki ang kanyang mga anak na kasama ang kanilang ina.
Nangako rin si Arsobispo Villegas na gagawin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang lahat upang mapasigla ang pagtuturo sa mga manggagawang Filipino upang maiwasan ang nakalulungkot na pangyayaring tulad ng naganap kay Mary Jane.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |