|
||||||||
|
||
Pamahalaan, nanawagan sa mga manggagawang Filipino
BINALAAN ng Department of Foreign Affairs ang mga manggagawang Filipino sa United Arab Emirates at iba pang mga bansang kanilang sa Gulf Cooperation Council na huwag na huwag magsusumite ng mga palsipikadong dokumento upang magkatrabaho, maging regular at mabigyan ng promosyon dahilan sa pagdami ng mga Filipinong nakakasuhan at nadeditine sa pagpalsipika ng mga dokumento.
Ang mga kasong hawak ng mga embahada ngayon sa Gulf Cooperation Countries ay kinabibilangan ng pagsusumite ng palsipikadong diploma, transcript of records, certificates of completion mula sa TESDA at marriage certificates.
Karamihan ng mga Filipino na may mga kaso ay humiling sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa Pilipinas na magpadala ng mga dokumentong ito na walang kamalay-malay na mga palsipikado ang mga ito. Sa pagsususri, ang mga stamp at selyo ng Embahada ng UAE sa Pilipinas at ang stamp at selyo ng Department of Foreign Affairs sa Pilipinas ay pawang mga palsipikado.
Sinasamsam ang mga ito ng UAE Ministry of Foreign Affairs at dinadala ang may tangan ng mga ito sa himpilan ng pulisya at sinisiyasat. Kung mapapatunayang nagkasala, posibleng makulong ng sampung taon depende sa lala ng kanilang kasalanan. Ipatatapon din silang pabalik sa Pilipinas.
Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga Filipino na dalhin ang kanilang mga dokumento sa pinakamalapit na embahada at konsulado upang mabatid kung tuna yang kanilang mga papeles. Hindi napapalsipika ang mga tunay na selyo ng mga dokumento.
Huwag umanong magmamadali ang mga Filipino kung nais nilang magkatrabaho sa UAE at iba pang GCC member countries. Makabubuting dumaan sa regular na paraan upang huwag mapahamak, dagdag pa ng Department of Foreign Affairs.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |