Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bangsamoro Basic Law, nasa alanganin

(GMT+08:00) 2015-04-07 17:47:31       CRI

 

Special Report

Bangsamoro Basic Law, nasa alanganin

SA PILIPINAS AKO ISINILANG.  Ito ang binigyang-diin ni MILF Chief Negotiation Mohagher Iqbal sa kanyang pakikipag-usap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines matapos ang malayang talakayan kaninang umaga.  May naglabas ng isyu sa media kamakailan na isang Malaysian national si G. Iqbal.  (Melo M. Acuna) 

PINALABNAW NA BBL, HINDI KATANGGAP-TANGGAP.  Sinabi ni G. Mohagher Iqbal na ang anumang pagpapalabnaw sa panukalang Bangsamoro Basic Law ay hindi magiging katanggap-tanggap sapagkat 'di nito malulutas ang mga problema sa MIndanao at mga Bangsamoro.  (Melo M. Acuna) 

SINABI ni Moro Islamic Liberation Front Chief Negotiator Mohagher Iqbal na maituturing na patawirin ang katayuan ng Bangsamoro Basic Law na ngayo'y nakabimbin sa Kongreso ng Pilipinas. Bagaman, naniniwala siya sa tulong ng iba't ibang sektor ng lipunang Filipino at ng international community ay makakapasa rin ito.

Sa panig ni Chief Government Negotiator Miriam Coronel-Ferrer, sinabi niyang may nagsabing nasa intensive care unit ang BBL subalit malaki ang pag-asang makalabas at tuluyang gumaling at sumigla. Malaki ang pagkakataong makalusot ang BBL sa suporta ng madla, lalo't higit ng mga mambabatas at kabilang na rin ang mga mamamahayag.

Ito ang kanilang mga pahayag sa sabay na pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines mula ika-siyam ng umaga hanggang magkakatanghalian sa Marco Polo Hotel sa Pasig City.

Sa kanyang opening statements, sinabi ni G. Iqbal na kailangang magkaroon ng masinsinang information campaign hinggil sa Bangsamoro Basic Law kasama na rin ng kahalagahan ng kapayapaan sa bansa sapagkat ang mga pananaw ng mga politiko ay nakasalalay sa paninindigan ng mga mamamayan. Kailangan ding matamo ang suporta ng mga mamamahayag sapagkat sila ang makakatulong o makakapinsala sa panukalang batas.

Ipinaliwanag pa ni G. Iqbal na kailangang makasama sa kampanyang ito ang mga mambabatas sapagkat ang tunay na labanan ay nasa Kongreso at Senado na nagbabalik-aral sa panukalang batas. Kailangan ding mapagsama-sama ang mga sektor na sumusuporta sa panukalang batas tulad ng international community, simbahang Katolika sa Pilipinas sa tulong ng mga kasapi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, mga mangangalakal, at maging mga dalubhasaan at iba pang sektor ng lipunan.

Mahalaga ring masakama sa panig ng pamahalaan at MILF ang mga nabubuhay pang nagpasa ng 1987 Constitution, evangelical churches, non-government organizations at iba pang Moslem groups.

Bagaman, sinabi ni G. Iqbal na may mga tumututol sa pagpasa ng panukalang batas matapos ang madugong naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na ika-25 ng Enero tulad ng mga mamamahayag samantalang may mga politikong gumagamit ng isyu at may mga mamamayang hindi pa nakakapagsuri sa nilalaman ng Bangsamoro Basic Law.

Mayroon pa ring mg taong kakaiba ang pananaw sa mga Moslem. Kailangang mapalakas ang ceasefire mechanism. Makikipagtalastasan sila sa mga banyagang pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang mga embahada sa Pilipinas, dagdag pa ni G. Iqbal.

Sa pagdududa ng madla kung ano ang magiging posisyon ng MILF kung hindi makapasa ang BBL, sinabi ni G. Iqbal na hahanapin pa rin nila ang kapayapaan at walang magbabago sa kanilang paninindigan.

Kung hindi maipapasa ang Bangsamoro Basic Law, nangangamba siya na baka hindi na bumalik pa ang pagkakataong tungo sa kapayapaan at lalakas ang panghihina ng loob sa kanilang hanay at mayroong posibilidad na mauwi sa magulong situwasyon. Ang problemang kaakibat ng kawalan ng kapayapaan ay mananatili. Mawawalan ng mukha ang liderato ng MILF sa kanyang mga kasapi, walang magaganap na pagsasalong ng mga sandata at walang pormal na pagtatapos sa kasunduan. Malaki rin ang posibilidad na maghari ang mga radikal sa kanilang hanay.

Nangangamba rin si G. Iqbal na baka tuluyan ng lumisan ang mga kabilang sa international community na nagtataguyod ng peace process at hindi na magtitiwala ang mga mangangalakal mula sa ibang bansa.

Sa panig ni Professor Miriam Coronel-Ferrer, may nagsabing patawirin na ang BBL sa isang silid sa intensive care unit subalit hindi siya nawawalan ng pag-asa sapagkat may mga nasa ICU na nakakabawi at tuwirang gumagaling. Hindi magiging madali ang pagbabalik ng tiwala ng madla sa peace process at Bangsamoro Basic Law.

Idinagdag niyang malaking tulong ang suporta ni Cotabato Archbishop Orlando B. Cardinal Quevedo sa panukalang batas at ng mga kaibigan ng peace process. Niliwanag niyang mayroong mga maling pananaw sa ilang probisyon ng BBL tulad ng pangambang ikinakalat ng ilan tungkol sa Bangsamoro Police Force na hindi magiging hiwalay sa Philippine National Police. Ang panukalang budget para sa Bangsamoro Police Force ay mula 35 hanggang 37 bilyong piso na maituturing na mumo lamang sa laki ng budget ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Hindi madaling mawala ang pananaw na ito dahilan sa kamandag ng social media kaya't mas mabuting suriin ang nilalaman ng panukalang batas. Binanggit din niya ang pagkakaroon ng mga tanggapang tulad ng Commission on Audit at Commission on Elections na hindi dapat pangambahan ng mga mamamayan.

Hinggil sa inilabas na ulat ng International Monitoring Team, sinabi ni G. Iqbal na iginagalang nila ang findings ng koponang binuo ng Pilipinas at ng MILF at magkakaroon ng kaukulang tugon kung hihiling sila ng paglilinaw sa ilang detalyes sa ulat. Kababasa pa lamang niya sa inilabas ng ulat ng IMT at ipadadala niya ito sa kanilang central committee. Sa ngayon ay nalulugod sila sa nilalaman ng ulat.

Magkakaroon din ito ng impact sa ilang mga ulat kahit pa hindi mababago ang mga nilalaman ng mga naunang ulat sa IMT Report. Makikita ng madla ang lahat ng anggulo sa isinumiteng pagsusuri ng International Monitoring Team.

Sa panig ni Professor Coronel-Ferrer, nakatuon ang ulat sa ceasefire agreement at paglabag sa tigil-putukan. Bagama't mayroong kalabisan ang pananaw ng ilan sa mga naunang ulat, nabasa na ang apat na ulat mula sa PNP Board of Inquiry, Senado at IMT. Mayroon pang tatlong ulat na hinihintay tulad ng pagsusuring ginawa ng Kagawaran ng Katarungan sa pamumuno ng National Bureau of Investigation at ang Commission on Human Rights.

Itinanong kay G. Iqbal kung tatanggapin nila ang pinalabnaw na bersyon ng BBL, sinabi niyang hindi katanggap-tanggap ang anumang pagbabago sa mga probisyong napapaloob sa panukalang batas sapagkat hindi nito malulutas ang mga suliraning nararapat tugunan ng batas/

Kung magkakaganoon man, baka tanggapin nila ang Autonomous Region in Muslim Mindanao set-up na makaikatlong ulit na inialok sa kanila.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>