Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Limampu: Pagbabayad sa Pagpapagamot

(GMT+08:00) 2015-04-22 15:34:18       CRI

这(zhè)一(yī)瓶(píng)是(shì)外用(wàiyòng)的(de) 您(nín)别(bié)弄错(nòngcuò)了(le)


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

May mga paliwanag hinggil sa kung paano iinumin ang gamot. "Itong botelyang ito ay para sa eksternal na gamit lamang."

这(zhè)一(yì)瓶(píng)是(shì)外(wài)用(yòng)的(de).

这(zhè), ito.

一(yī), isa; 瓶(píng), botelya; 一(yì)瓶(píng), isang botelya.

是(shì), ay.

外(wài), eksternal; 用(yòng), gamit; 的(de), katagang ginagamit kasunod ng nominal structure at tumutukoy sa uri ng bagay; 外(wài)用(yòng)的(de), para sa eksternal na gamit.

YOK: 这(zhè)一(yī)瓶(píng)是(shì)外(wài)用(yòng)的(de).

Narito po ang ikatlong usapan:

A: 这(zhè)一(yī)瓶(píng)是(shì)外用(wàiyòng)的(de)。Ito ay para sa eksternal na gamit lamang.

B: 好的(hǎode),我(wǒ)知道(zhīdào)了(le)。Ah, alam ko na.

Ang ibang gamot ay para sa eksternal na gamit at ang iba naman ay para sa internal, kaya maaari kayong paalalahanan ng ganito: "Siguruhing hindi kayo magkakamali sa gamit ng isa't isa".

您(nín)别(bié)弄(nòng)错(cuò)了(le).

您(nín), kayo; magalang na porma ng你(nǐ) na nangangahulugang ikaw.

别(bié), huwag.

弄(nòng)错(cuò), magkamali.

了(le), katagang nagbibigay-diin.

Narito ang ika-apat na usapan:

A: 这(zhè)一(yī)瓶(píng)是(shì)内服(nèifú)的(de)。您(nín)别(bié)弄错(nòngcuò)了(le)。Ang botelyang ito ay para sa internal na gamit. Siguruhing hindi ninyo maipagkakamali sa ibang botelya.

B: 好的(hǎode)。谢(xiè)谢(xiè)!Okey. Salamat.

Mga Tip ng Kulturang Tsino

Ang mga Tsino ay may maraming paraan para maagang iwasan ang sakit. Halimbawa, para maiwasan ang pana-panahong sakit na gaya ng panghahapdi at pamumula ng mata, sakit ng gilagid at sakit ng ngipin, umiinom sila ng sabaw ng peras at chrysanthemum o honeysuckle tea sa panahon ng taglagas at tagsibol. Naniniwala sila na ang mahabang oras sa loob ng silid na may air-con o pag-inom ng mga inuming may yelo ay nauuwi sa pagkakasipon o pagkakadiyarya. 着(zháo)凉(liáng) ang tawag ng mga Tsino sa isa sa mga dahilan ng sipon. Sa panahon ng biglaang pagbabago ng temperatura, sinisiguro ng mga magulang na Tsino na umiinom ang kanilang anak ng mainit na tubig, kumakain ng mainit na pagkain, nagkukumot at lumalayo sa malakas na ihip ng hangin.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)

非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>