|
||||||||
|
||
快(kuài)叫(jiào)救(jiù)护(hù)车(chē) 他(tā)流(liú)了(le)很(hěn)多(duō)血(xuè)
20150416Aralin49Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Lagi nang may nakaabang na potensiyal na kapahamakan. Ipagpalagay natin na may naganap na aksidente sa daan kung saan ang isang tao ay kailangang isugod sa ospital dahil sa pagkakasagasa. Una sa lahat, kailangang tumawag tayo ng ambulansiya. "Dali, tumawag ka ng ambulansiya!"
快(kuài)叫(jiào)救(jiù)护(hù)车(chē)!
快(kuài), nang madali.
叫(jiào), tumawag.
救(jiù)护(hù), magbigay ng pang-unang lunas.
车(chē), sasakyan.
Narito ang unang usapan:
A: 有人(yǒurén)受伤(shòushāng)了(le)!May taong nadisgrasya!
B: 快(kuài)叫(jiào)救护车(jiùhùchē)!Tumawag ka ng ambulansiya!
"Marami siyang dugo!"
他(tā)流(liú)了(le)很(hěn)多(duō)血(xuè).
他(tā), siya.
流(liú), umagos.
了(le), katagang ginagamit kasunod ng pandiwa para ipahiwatig ang kaganapan ng aksiyon.
很(hěn)多(duō), napakarami.
血(xuè), dugo.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 他(tā)流(liú)了(le)很(hěn)多(duō)血(xuè)。Marami siyang dugo!
B: 快(kuài)叫(jiào)救(jiù)护(hù)车(chē)!Tumawag ka ng ambulansiya!
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |