|
||||||||
|
||
你(nǐ)好(hǎo)点(diǎn)儿(ér)了(le)吗(ma) 在(zài)医(yī)院(yuàn)里(lǐ)真(zhēn)没(méi)意(yì)思(si)
20150503Aralin51Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa araling ito, ipagpalagay natin na dadalaw tayo sa isang kaibigan sa ospital. Maipapakita ninyo ang inyong pag-aalala sa kanya sa pagsasabi ng "Bumubuti na ba ang pakiramdam mo?"
你(nǐ)好(hǎo)点(diǎn)儿(ér)了(le)吗(ma)?
你(nǐ), ikaw o ka.
好(hǎo), mabuti; 点(diǎn)儿(ér), konti; 了(le), katagang ginagamit kasunod ng pandiwa at nagpapakita ng kaganapan o pagbabago ng aksyon; 好(hǎo)点(diǎn)儿(ér)了(le), bumubuti na.
吗(ma), katagang pananong na ginagamit sa hulihan ng pangungusap. Nagpapahiwatig itong dapat sagutin ang tanong ng oo o hindi.
Narito po ang unang usapan:
A: 你好(nǐhǎo)点儿(diǎnér)了(le)吗(ma)?Mabuti na ba ang pakiramdam mo?
B: 好些(hǎoxiē)了(le)。你(nǐ)那么(nàme)忙(máng)还(hái)来看(láikàn)我(wǒ)。Mabuting mabuti na. Salamat sa dalaw mo kahit sobrang busi ka na.
Itinuturing ng karamihan sa mga tao na nakababagot ang pagpapaospital. Kaya ang pangungusap na ito ay makakatulong sa inyo na maunawaan ang mga daing ng inyong kaibigan.
"Talagang nakababagot ang maratay sa ospital."
在(zài)医(yī)院(yuàn)里(lǐ)真(zhēn)没(méi)意(yì)思(si).
在(zài), sa.
医(yī)院(yuàn), ospital.
里(lǐ), loob.
真(zhēn), talaga.
没(méi)意(yì)思(si), nakakabagot.
Narito po ang ikalawang usapan:
A: 在(zài)医院(yīyuàn)里(lǐ)真(zhēn)没意思(méiyìsi)。Talagang nakakabagot ang maratay sa ospital.
B: 你(nǐ)这个星期(zhègexīngqī)能(néng)出院(chūyuàn)吗(ma)?Makakalabas ka ba ng ospital sa linggong ito?
A: 差(chà)不(bù)多(duō)。Baka.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |