|
||||||||
|
||
你(nǐ)这(zhè)个(ge)星(xīng)期(qī)能(néng)出(chū)院(yuàn)吗(ma) 祝(zhù)你(nǐ)早(zǎo)日(rì)恢(huī)复(fù)健(jiàn)康(kāng)
20150503Aralin51Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Susunod: Makakalabas ka ba ng ospital sa linggong ito?
你(nǐ)这(zhè)个(ge)星(xīng)期(qī)能(néng)出(chū)院(yuàn)吗(ma)?
你(nǐ), ikaw o ka.
这(zhè), ito; 个(ge), isa sa mga pinakamadalas na ginagamit na salitang panukat; 星(xīng)期(qī), linggo; 这(zhè)个(ge)星(xīng)期(qī), linggong ito.
能(néng), maaari. Ito ay ginagampanan din ng unlaping "maka" o "ma" sa wikang Filipino.
出(chū)院(yuàn), lumabas ng ospital.
Naritong muli ang ikalawang usapan:
A: 在(zài)医院(yīyuàn)里(lǐ)真(zhēn)没意思(méiyìsi)。Talagang nakakabagot ang maratay sa ospital.
B: 你(nǐ)这个星期(zhègexīngqī)能(néng)出院(chūyuàn)吗(ma)?Makakalabas ka ba ng ospital sa linggong ito?
A: 差(chà)不多(bùduō)。Baka.
Narito po ang isang magamit na ekspresyon: Sana gumaling ka nang husto kaagad.
祝(zhù)你(nǐ)早(zǎo)日(rì)恢(huī)复(fù)健(jiàn)康(kāng).
祝(zhù), sana; magpahayag ng magandang hangarin.
你(nǐ), ikaw o ka.
早(zǎo)日(rì), kaagad.
恢(huī)复(fù), manumbalik; gumaling.
健(jiàn)康(kāng), kalusugan.
Narito po ang ikatlong usapan:
A: 你(nǐ)好好(hǎohǎo)休息(xiūxī)。祝(zhù)你(nǐ)早日(zǎorì)恢复(huīfù)健康(jiànkāng)。Magpahinga kang mabuti. Sana gumaling ka nang husto kaagad.
B: 好的(hǎode)。谢谢(xièxiè)你(nǐ)来看(láikàn)我(wǒ)。Okay. Salamat sa pagdalaw mo sa akin.
Mga Tip ng Kulturang Tsino
Sa mga kaso ng pananakit ng likod, labis na pagkapagod at iba pang mga sintomas ng panghihina, mas pinipili ng maraming Tsino ang 拔(bá)罐(guàn)儿(ér) at "刮(guā)痧(shā)".
Ang 拔(bá)罐(guàn)儿(ér) o pagsusuob ay kinapapalooban ng pagdidiin ng bunganga ng sinuubang baso sa balat ng pasyente. Habang lumalamig ang hangin sa loob ng baso, isang "vacuum" ang nalilikha at itong "vacuum" na ito ang humihigop sa balat pataas na siya namang nagpapasigla sa "acupressure effect." At ang "刮(guā)痧(shā)" naman ay isang paraan ng pagdidiin ng gilid ng kutsara, suklay o mga bagay na tulad sa naglalangis o mamasa-masang balat na tulad ng sa likod o dibdib. Ito ay nagdudulot ng maalwang pagdaloy ng dugo sa mga ugat patungo sa mga himaymay. Medyo masakit ang mga paraang ito ng paggagamot pero talagang nababawasan ang mga sintomas. Bukod dito, ang mga paraang ito ay simple at madaling gawin.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |