|
||||||||
|
||
20150506Meloreport.mp3
|
LUMISAN kaninang ika-walo ng umaga si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III patungong Chicago at Canada. Magtatagal siya hanggang sa darating na Sabado, ika-siyam ng Mayo.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na ang kanyang paglalakbay ay upang isulong ang bukas at mas malakas na trade relations sa pag-itan ng Pilipinas, Estados Unidos at Canada.
Layunin umano niyang palaguin ang pamumuhunan ng mga Americano at mga Canadian sa Pilipinas.
Sa kanyang isang araw na working visit sa Chicago ngayong ika-anim ng Mayo, makakaharap niya ang mga pinuno ng US Chamber of Commerce at US - Association of Southeast Asian Nations Business Council. Ang Estados Unidos ang pangatlong major trading partner ng Pilipinas.
Ang kanyang pagdalaw sa Canada ay sa paanyaya ni Governor-General David Johnston at Prime Minister Stephen Harper, sa kanyang unang state visit sa Canada mula bukas hanggang sa Sabado.
Sasaksi siya sa paglagda ng mga kasunduan at pasasalamatan niya ang Canada sa pagpapadala ng mga kawal at manggagamot noong tumama ang bagyong "Yolanda." Dinagdagan din ng Canada ang kanilang official development assistance sa halagang Canadian$ 111.95 milyon bilang grants noong 2014.
Makakaharap din niya ang mga negosyanteng Canadian at mga Filipino na naninirahan sa Toronto at Vancouver.
Umalis si Pangulong Aquino kaninang alas otso biente (8:20 A.M.) sakay ng Philippine Air Lines flight PR 001. Kasama niya sina Cabinet Secretary Rene Almendras, Finance Secretary Cesar Purisima, Labor Secretary Rosalinda Baldoz, Trade Secretary Gregory Domingo, NEDA Secretary Arsenio Baliscan, Presidential Management Staff Secretary Julia Abad, Communication Secretary Herminio Coloma, Jr. at Foreign Affairs Undersecretary Laura del Rosario,
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |