|
||||||||
|
||
Kwento sa pagkakapatay kay Basit Usman, nabago
TUGMA sa bersyon ng Moro Islamic Liberation Front ang bersyon ng Armed Forces of the Philippines kung paano napaslang si Basit Usman.
Sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, sa kanilang ginawang pagsisiyasat, pumasok sa nasasakupang lupain ng Moro Islamic Liberation Front (si Usman) kaya nauwi sa putukan.
Magkaiba ang bersyon ng pamahalaan at MILF hinggil sa pagkamatay ni Usman noong Linggo sa Guindulungan, Maguindanao.
Unang sinabi ng pamahalaan na posibleng napatay si Usman ng isa sa kanyang mga tagasunod, isang government asset na umaasang kikita ng P 6.3 milyon mula sa pamahalaan at US$ 1 milyon mula sa Estados Unidos.
Ayon sa MILF, napaslang si Usman sa lupaing saklaw ng 118th Base Command.
Ayon kay Col. Cabunoc, dinakip si Usman ng mga tauhan ng MILF upang madala sa sa MILF Central Committee subalit nanglaban si Usman kaya't napaslang.
Si Usman ang isa sa target ng OPLAN Exodus sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasabi ni Zulkiflu bin Hir na kilala sa pangalang Marwan, ng 44 na SAF commandos, 18 mga MILF at tatlong mga sibilyan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |