|
||||||||
|
||
Department of Budget and Management, naglabas ng P 1.2 bilyon
INILABAS na ng Department of Budget and Management ang halagang P 1.2 bilyon sa Department of Social Welfare and Development upang dalhin sa iba't ibang komunidad na tinamaan ng bagyong "Ruby" noong nakalipas na taon.
Ang salapi ay para sa port-Ruby rehabilitation sa MIMAROPA, Western Visayas at Eastern Visayas na kinuha mula sa P 14 bilyong National Disaster Risk Reduction and Management Fund sa Fiscal Year 2015 General Appropriations Act.
Ang halaga ay susuporta sa iba't ibang Cash-Cor-Work activities para sa 146,961 mga binagyong pamilya at para sa Emergency Shelter Assistance program na tutulong naman sa may 12,034 pamilya na nawasak ang mga tahanan.
Mayroong 68,988 pamilya sa mga tinamaang pook ni "Ruby" na bahagyang napinsala ang mga tahanan ay mabibigay din ng tulong.
Ang Cash-for-Work program ay panandaliang pagkilos ng pamahalaan upang mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga problemadong mga pamilya at manggagawa.
Ang ESA program ay nag-aalok ng mga materyales at financial assistance upang madagdagan ang kakayahan ng mga pamilya sa pagaayos ng kanilang mga tahanang napinsala ng trahedya at iba pang man-made calamities.
Umaasa si Budget and Management Secretary Florencio "Butch" Abad na mapakikinabangan ng mga biktima ang tulong ng pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |