|
||||||||
|
||
请问(qǐngwèn)你们(nǐmen)学校(xuéxiào)有没有(yǒumeiyǒu)班车(bānchē) 每天几点(měitiānjǐdiǎn)接送(jiēsòng)
20150508Aralin52Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa araling ito, magtutungo tayo sa panibagong paksa, sabihin nating buhay pre-school. Siguro, ang unang unang dapat kong itanong ay: "Mayroon bang serbisyo ng bus para sa mga bata?"
有(yǒu)没(mei)有(yǒu)班(bān)车(chē)?
有(yǒu), mayroon o magkaroon.
没(mei), wala; 有(yǒu), mayroon; 没(mei)有(yǒu), wala.
班(bān)车(chē), shuttle bus.
Narito po ang unang usapan:
A: 您好(nínhǎo),请问(qǐngwèn)你们(nǐmen)学校(xuéxiào)有没有(yǒumeiyǒu)班车(bānchē)?Mawalang-galang na. Maaari bang malaman kung mayroong serbisyo ng bus para sa mga bata?
B: 我们(wǒmen)这儿(zhèer)有(yǒu)班车(bānchē)。Opo. Meron po kaming shuttle bus.
Ang susunod na tanong ay: "Anong oras susunduin at ihahatid ninyo ang anak ko araw-araw?"
每(měi)天(tiān)几(jǐ)点(diǎn)接(jiē)送(sòng)?
每(měi), bawat; 天(tiān), araw; 每(měi)天(tiān), araw-araw.
几(jǐ), ilan; 点(diǎn), oras; 几(jǐ)点(diǎn), anong oras.
接(jiē), sunduin.
送(sòng), ihatid.
Narito po ang ikalawang usapan:
A: 每天几点(měitiānjǐdiǎn)接送(jiēsòng)?Anong oras ihahatid at susunduin ang anak ko araw-araw?
B: 早上八点(zǎoshangbādiǎn)去(qù)接(jiē),傍晚五点(bàngwǎnwǔdiǎn)送回(sònghuí)去(qù)。Ihatatid ang inyong anak sa ikawalo ng umaga at susunduin sa ikalima ng hapon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |