|
||||||||
|
||
端(duān)午(wǔ)节(jié)我(wǒ)们(men)放(fàng)三(sān)天(tiān)假(jiǎ) 这(zhè)张(zhāng)贺(hè)卡(kǎ)送(sòng)给(gěi)您(nín)
20150508Aralin52Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Sa kasalukuyan, ang mga Tsino ay nakapagtatamasa ng tatlong araw na bakasyon para sa mga tradisyonal na pestibal na gaya ng Pestibal ng Dragon Boat. Sa totoo lang po, isang araw ang bakasyon, kasama ang isang weekend, kaya sa kabuuan, tatlong araw ang bakasyon.
"Mayroon kaming tatlong araw na bakasyon para sa Pestibal ng Dragon Boat."
端(duān)午(wǔ)节(jié)我(wǒ)们(men)放(fàng)三(sān)天(tiān)假(jiǎ).
端(duān)午(wǔ), Pestibal ng Dragon Boat; 节(jié), pestibal; 端(duān)午(wǔ)节(jié), Pestibal ng Dragon Boat. Ito ay nasa ikalimang araw ng ikalimang buwang lunar.
我(wǒ)们(men), kami.
放(fàng)假(jià), magkaroon ng bakasyon o magtamasa ng araw na walang-pasok.
三(sān), tatlo; 天(tiān), araw; 三(sān)天(tiān), tatlong araw.
Narito po ang ikatlong usapan:
A: 端午节(duānwǔjié)我们(wǒmen)放(fàng)三天(sāntiān)假(jiǎ)。Meron kaming tatlong araw na bakasyon para sa Pestibal ng Dragon Boat.
B: 祝(zhù)您(nín)节日(jiérì)快乐(kuàilè)。Masayang araw ng bakasyon!
Kung gusto nating padalhan ng greeting card o thank you card ang titser sa kindergarten bilang pasasalamat sa kanyang kabaitan sa ating mga anak, maari nating sabihin: "Para sa inyo ang greeting card na ito!"
这(zhè)张(zhāng)贺(hè)卡(kǎ)送(sòng)给(gěi)您(nín)!
这(zhè), ito.
张(zhāng), salitang panukat para sa papel, tiket, at iba pa.
贺(hè)卡(kǎ), greeting card.
送(sòng), padalhan; 给(gěi), katagang ginagamit kasunod ng pandiwa at sa harap ng tatanggap ng aksyon; 送(sòng)给(gěi), bigyan.
您(nín), kayo, magalang na porma ng你(nǐ) na nangangahulugang ikaw.
Narito po ang ikaapat na usapan:
A: 这(zhè)张(zhāng)贺卡(hèkǎ)送给(sònggěi)您(nín)!Para sa iyo itong greeting card na ito.
B: 真(zhēn)漂亮(piàoliang)。谢谢(xièxiè)!O, ang ganda naman. Salamat!
Mga Tip ng Kulturang Tsino:
Sa Tsina, ang mga bata na nasa edad tatlo hanggang anim na taon ay, sa kalahatan, pumapasok sa kindergarten. Datapuwa't pumapasok sila sa kinder bilang katuwaan lamang, marami rin naman silang natututuhang mga pangunahing kaalaman. Halimbawa, natututo silang mag-drawing ng mga larawan, gumawa ng masisining na bagay o palamuti sa pamamagitan ng kamay, magbasa ng mga aklat, at kung anu-ano pa. Sa kasalukuyang lipunan na kung saan ang kompetisyon ay paigting nang paigting, maraming magulang ang umaasa na ang kanilang mga anak ay matututo ng higit na maraming kaalaman sa kindergarten nang sa gayon hindi sila mapag-iwanan pag nagsimula na sila ng kanilang pormal na pag-aaral. Kaya naman ang mga kindergarten na makakapagturo ng pagtugtog ng mga instrumentong musikal at makakapagkaloob ng pagsasanay sa wikang dayuhan ay mainit na tinatanggap.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |