|
||||||||
|
||
Pagtulong ng may-ari ng Kentex, tiniyak
WALANG dapat ipangamba ang mga biktima at mga naulila ng malagim na sunog sa Kentex Manufacturing Inc. sapagkat magpaparating sila ng ayudang pinansyal.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, tiniyak ng mga may-ari ng pabrika na nakikipagtulungan na sila sa pamahalaang lungsod, sa mga pamilya ng mga biktima.
Sa pakikipag-usap ng mga may-ari ng kumpanya sa pamahalaang lungsod, handa umano sila sa identification, burial at medical expenses. Hindi umano tatalikdan ang kanilang mga responsiblidad at obligasyon.
Sinabi umano ng may-ari ng kumpanya na handa silang humarap sa legal consequences kasunod ng malagim na sunog subalit prayoridad nila ang pangangailangan ng mga biktima.
Noong ika-18 ng marso, 1996, umabot sa 162 mga kabataan ang nasawi ng masunog ang Ozone Disco sa Quezon City. May mga nasawi dahil sa stampede at mayroong mga nasunog. Ang naganap noong 1996 ang pinakamalubhang trahedyang dulot ng sunog sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |