|
||||||||
|
||
Ang military helicopter ay bumagsak sa isang emergency landing sa Naltar Valley region.
Patungo ang mga ambassador sa Gilgit-Baltistan territory na bahagi ng kontrobersyal na Kashmir region.
Dadalo sana sila sa pagpapasinaya sa isang proyektong ginawa ng Pakistani Air Force para sa mga turista.
Si Pakistani Prime Minister Nawaz Sharif ay nakatakdang dumalo sa okasyon subalit bumalik ang kanyang sinasakyang eroplano mula sa Gilgit matapos mabalita ang sakuna.
Hindi pa batid ang dahilan ng sakuna.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesman Asst. Secretary Charles Jose, inaalam pa nila ang detalyes ng balita at maglalabas ng pahayag sa takdang panahon. (Wala pang opisyal na pahayag hanggang ika-anim ng gabi.)
Ang Philippine Ambassador to Pakistan ay si Atty. Domingo D. Lucenario, Jr., isang dating protocol officer sa Malacanang noong panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |