Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga biktima na sunog, umabot na sa 72 ang nasasawi

(GMT+08:00) 2015-05-14 19:03:40       CRI

Philippine National Police, bumuo na ng koponan upang magsiyasat

ISANG koponan ang binuo ng Philippine National Police upang tumulong sa Bureau of Fire Protection at sa pamahalaang lokal ng Lungsod ng Valenzuela upang makuha, makilala ang mga labi at magsiyasat sa sunog na ikinasawi ng may 72 katao. Magugunitang isang sunog ang sumiklab sa isang pagawaan ng sapatos at tsinelas kahapon ng hapon.

Sa isang briefing, sinabi ni PNP Officer-In-Charge Leonardo Espina na pamumunuan ang task force ng deputy chief for operations ng Northern Police District, Senior Supt. Edgar Danao.

Ani General Espina, mula kagabi ay tumulong na ang pulisya upang maiwasan ang gulo. Sila rin ang nagbabantay sa daloy ng mga sasakyan, magbabantay sa mga kamag-anak ng mga nasawi at upang maiawasan na rin ang nakawan.

Makakasama sa lupon ang mga may karanasang imbestigador mula sa Criminal Investigation and Detection Group na nagsiyasat sa pagsabog sa Serendra noong 2013. Tutulong din sila sa arson investigators ng Bureau of Fire Protection.

May mga panayam nang ginawa ang mga imbestigador sa mga naulila ng mga nasawi at maging sa mga saksi.

Mayroong mga 40 Scene of the Crime Operations elements upang tumulong sa pagkilala sa mga nasawi. Karamihan ng mga bangkay ay nasunog at hindi na makikilala pa.

Ani General Espina, sa oras na mabilang at makilala ang lahat ng mga nasawi, kakasuhan kaagad ang mga taong nararapat managot sa trahedya. Inaalam pa lamang kung ano ang naganap at kung ano ang maikakaso sa mga nararapat managot.

Ayon kay Sr. Supt. Danao, nangangalap na sila ng mga dokumento, mga building permit at clearances ng Kentex Manufacturing Inc. Idinagdag pa ng pulisya na nakikipagtulungan naman ang may-ari ng gusali mula ng masunog ang dalawang palapag na pabrika at bodega sa Ugong, Valenzuela City.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>