Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga biktima ni "Yolanda" unti-unti nang nakakabawi

(GMT+08:00) 2015-06-23 17:20:19       CRI

 

 

SPECIAL REPORT

Mga biktima ni "Yolanda" unti-unti nang nakakabawi

DAGDAG NA PAGKAKAKITAAN, KAILANGAN. Naniniwala si Borongan Bishop Crispin Varquez(kaliwa) na dapat magkaroon ng dagdag na hanapbuhay ang mga biktima ni "Yolanda" upang mas madating makabawi sa kanilang kinasasadlakang kahirapan. Ito ang kanyang sinabi sa isang panayam matapos ang turn-over ng mga tahanang itinayo ng Catholic Relief Services sa anim na bayang kanyang nasasakupan. Nasa kanan si Joseph Curry, Country Representative ng CRS. (Melo M. Acuna)

MGA NAGTAPOS NG SKILLS TRAINING. Makikita sa larawan ang bahagi ng 132 mga nagtapos ng livelihood skills training na itinagurod ng CRS sa pakikipagtulungan sa mga opisyal ng TESDA at Arteche National Agricultural School. (Melo M. Acuna)

TAHANANG ITINAYO NG CRS AT PARTNERS SA EASTERN SAMAR. Makikita si CRS Country Representative Joseph Curry na nagpapaliwanag tungkol sa disenyo at tibay na inaasahan sa mga tahanang kanilang itinayo sa Eastern Samar. nagkakahalaga umano ang mga ito ng P 45,000 bawat isa. (Melo M. Acuna)

LUPANG PINAGTAYUAN, BINILI NG PAMAHALAANG LOKAL. Binili ng Pamahalaang Lokal ng Salcedo ang lupang ito upang pagtayuan ng mga pabahay na CRS para sa mga nawalan ng tahanan. Magkakaroon ng 26 na tahanan sa lupang ito para sa mga naninirahan sa baybay-dagat. (Melo M. Acuna)

KARANIWANG LARAWAN SA MGA TAHANAN. Makikita ang kasiyahan ng mga naninirahan sa mga bagong tayong tahanang itinayo ng CRS at partner agencies bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ni "Yolanda" na tumama sa Eastern Samar may isang taon at pitong buwan na ang nakalilipas. (Melo M. Acuna)

SALCEDO, EASTERN SAMAR - Nagsisimula ng makabalik sa karaniwang buhay ang mga naninirahan sa Eastern Samar at mga kalapit pook, isang taon at pitong buwan matapos hagupitin ni "Yolanda" noong ika-walo ng Nobyembre, 2013.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 1.1 milyong tahanan ang napinsala at mayroong 550,928 ang kailangang itayong muli.

Kabilang sa mga tumulong ang Catholic Relief Services at Shelterbox sa mga komunidad na magtayo ng tinaguriang "disaster-resilient homes" para sa 924 na pamilya sa higit na ligtas na pook sa mga bayan ng Lawaan, Guinapondan, Salcedo, Giporlos at MacArthur sa Eastern Samar.

Idanaos ang isang simpleng seremonya sa Eastern Visayas State College, tinanggap ng mga nawalan ng bahay ang mga sertipiko sa kanilang mga bagong-tayong tahanan.

Naitayo ng Catholic Relief Services sa tulong ng kanilang mga kabalikat tulad ng iba't ibang samahan tulad ng Development and Peace ng Canada, Caritas Norway, Shelterbox, ang may 6,875 tahanan sa mga bayan ng Salcedo, Lawaan, Guiporlos, Mac Arthur, Guinapondan at Malangkayan.

Ayon kay Engr. Julius Oliveros, matatapos nila ang buong bilang na 7,565 na tahanan sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Remedios Ladera, isa mga tumanggap ng bagong tahanan, nawalan sila ng pag-asa sa pagkapinsala ng mga niyog na kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.

"Salamat sa Panginoon, sa Catholic Relief Services at kanilang mga kasama, nagkatotoo ang aming panaginip na magkaroon ng bagong tahanan," ani Gng. Ladera.

Inamin ni G. Ladera na nawalan siya ng pag-asa sapagkat nagtayo ng ng bagong bahay ang kanyang mga kamag-anak at mga kabarangay at siya'y napag-iwanan.

Dumating din ang araw na naitayo ang kanyang tahanan at kahapong umaga, tinanggap niya ang "symbolic key" mula sa CRS at mga partner agencies.

Bukod sa mga tahanang itinayo, nagkaroon din ng pagsasanay ang mga biktima ni "Yolanda" sa iba't ibang paraan ng paghahanapbuhay at kalakal. May sinanay din sa aquaculture, pag-aalaga ng mga pananim sa kabukiran, paghahayupan, at pagaalaga ng mga bagong pananim para sa mga nursery.

Sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Technical Skills Development Authority (TESDA), Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development at iba pa, umabot sa 132 ang sumailalim sa pagsasanay sa kakayahang panghanapbuhay sa paghahanada ng pagkain, paggawa ng tinapay, electrical installation, carpentry at manicure, pedicure at beauty care.

Itinanghal sila ni Dr. Renato T. Picana, Vocational Instruction Supervisor sa Arteche National Agricultural School sa mga panauhin.

Binigyan sila ng mga sertipikong may lagda ni TESDA Director General Joel Villanueva. Dumalo rin si Engr. Enrico C. Banario, ang Eastern Samar Provincial TESDA Office. Nagsanay sila sa Arteche National Agricultural School sa Arteche, Eastern Samar.

Para kay Borongan Bishop Crispin Varquez maraming pang gagawin upang maibalik ang kalagayan ng mga naging biktima ng bagyong "Yolanda."

Sa isang panayam, sinabi ni Bishop Varquez na kailangan ng dagdag na pagkakakitaan ng mga mamamayan upang maging madali ang kanilang pag-ahon sa kahirapan.

Ipinaliwanag pa niya na sa oras na magkaroon ng dagdag na trabaho at pagkakakitaan ang mga tao, makakapag-ipon sila at makakapagpatayo ng permanenteng mga tahanan sa loob ng ilang taon.

Hindi lamang ang kanilang mga tahanan ang magiging matatag kungdi ang kanilang hanapbuhay, dagdag pa ng obispo.

Matapos ang bagyong "Yolanda," higit sa 30 non-government organizations ang dumagsa sa Eastern Samar subalit karamihan sa kanila ay lumisan na matapos ang unang taon at naglilingkod na sa ibang mga bansa. Higit sa 10 mga NGO ang namamalagi sa Eastern Samar at mayroong coordination meeting sa bawat tatlong buwan upang mabatid ang kanilang mga nagawa.

Sa panig ni G. Joseph Curry, Country Representative ng Catholic Relief Services, nagkakahalaga ng P 45,000 ang bawat tahanang kanilang naitatayo. Mas mababa ang halaga ng mga isinasaayos ng tahanan samantalang mayroong mga tumatanggap na lamang ng mga yerong ikinakabit sa kanilang tahanan.

Hindi kailanman malilimutan ng CRS ang koordinasyon sa mga pamahalaang lokal upang maiwasan ang mga 'di pagkakaunawaana sa mga nakatakdang tumanggap ng mga tahanan.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>