NANINIWALA si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na abot-kamay na ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao. Ito ang kanyang sinabi sa kanyang talumpati sa "decommissioning" ng mga sandata at may 145 mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front.
Malagim ang pinag-daanan ng mga mamamayan sa Mindanao sapagkat sa halip na pagtulungan ng magkakabilang-panig ang pagtahak sa daan tungo sa kapayapaan, ipinadala ng pamahalaan ang mga mga tauhan ng konstabularya at mga kawal upang sugpuin ang pag-aaklas ng mga Muslim.
Maliwanag kay Pangulong Aquino na 'di sasapat ang pagtugon ng pamahalaan sa paggamit ng mga kawal sa Mindanao. Ang kailangan, anang pangulo ay "whole government approach." Sa pamamagitan ng negosasyon, naghari ang pagtitiwala ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front. Sa pagsasalong ng mga sandata, ani Pangulong Aquino, ipinakita ng mga MILF ang kanilang katapatan sa likod ng mga bantang mula sa private armed groups. Pinuri din niya ang MIF na kahit bitin pa ang Bangsamoro Basic Law ay itinuloy na ang "decomissioning" ng mga tauhan at ilang malalakas na sandata.
Nanawagan din siya sa mga mambabatas na gawin ang magagawa upang matapos ng maayos ang programang pangkapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law.
1 2 3 4 5 6 7