|
||||||||
|
||
Tag-ulan, dumating na, may 11 hanggang 16 na bagyo ang inaasahan
SINABI ni Dr. Vicente Malano, officer-in-charge ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magtatagal ng tatlong buwan ang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.
Magkakaroon ng isa o dalawang sama ng panahong tatama sa bansa hanggang sa katapusan ng buwan, tatlo hanggang lima sa Hulyo, dalawa hanggang apat sa Agosto at Setyembre. Tinataya ding magkakaroon ng dalawa hanggang tatlo sa Oktubre, isa o dalaw sa Nobyembre at isang sama ng panahon sa Disyembre.
Ipinaliwanag ni Dr. Malano na dahil sa El Nino na madarama sa Oktubre hanggang sa Marso ng 2016, maaaring mabawasan ang dami ng ulan subalit hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng malalakas na bagyo sa huling tatlong buwan ng taon.
Sisidhi pa rin ang El Nino sa ikalawang bahagi ng 2015.
Noong nakalipas na taon, nagsimula ang tag-ulan sa ika-sampu ng Hunyo. Dahil sa El Nino, naantala ang pagsisimula ng tag-ulan ngayong taon, dagdag pa ng PAGASA.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |