|
||||||||
|
||
Paggamit ng torture, 'di katanggap-tanggap
HINDI kailanman magiging katanggap-tanggap ang paggamit ng torture sa mga Filipino. Lubhang nakakabahala ang ulat ng Amnesty International.
Ito ang sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa isang pahayag na inilabas sa media ngayong araw na ito.
Madalas umanong sinasabi ng mga autoridad na sa pamamagitan ng pagpapasakit sa mga pinaghihinalaan, lalo na sa mga pinaniniwalaang mga terorista, naitatago ng mga may kagagawan ang katotohanan na siyang magpapahamak sa mga mamamayan.
Samantalang ipinagpapasalamat ang pagtatangka ng mga alagad ng batas na mapanatili ang kapayapaan at mailigtas ang karamihan mula sa mga terorista, hindi katanggap-tanggap ang pagpapasakit sa mga pinaghihinalaan kahit pa layunin ng pamahalaang mabatid ang katotohanan at mailigtas ang karamihan ng mga mamamayan,
Ang paggamit ng torture ay hindi makatarungan at taliwas sa mabubuting layunin.
Hindi lamang mga alagad ng batas ang gumagawa ng pagpapasakit o torture. Mayroon ding mga ulat na nagpapasakitr din ang mga rebelde kasama na ang mga bandido. Sa kanilang paghihimagsik, wala silang karapatang magpasakit ng kanilang kapwa. Walang anumang justification ang paggamit ng torture, dagdag pa ni Arsobispo Villegas.
Hindi lamang nararapat tulungan ng mga layko ang mga biktima ng torture. Sa pamamagitan ng pagbabantay at pagsusuri, mababawasan ang pagkakaroon ng torture. Kailangang magkaroon ng lakas ng loob ang mga nakakasaksi ng pagpapahirap upang manindigan laban sa karumaldumal na krimen.
Ito ang nilalaman ng pahayag ni Arsobispo Villegas na nilagdaan ngayong araw na ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |