|
||||||||
|
||
Mga manggagawa, nanawagang pawalang-saysay ang "contractualization"
ISANG malaking sumpa sa mga manggagawang Filipino ang "contractualization" kaya't nanawagan silang pawalang-saysay ang Articles 106 hanggang 109 ng Labor Code at Department Order No. 18 Ng Department of Labor and Employment.
Sa kanilang binuong Kilusan Laban sa Kontraktwalisasyon, hiniling nilang kilalanin ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga manggagawa. Kabilang sa mga bumuo ng koalisyon ang mga kabilang sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Union President Against Contractualization, Solidarity of Workers Against Contractualization, Samahan ng mga Progresibong Kabataan at ang grupong SANLAKAS.
Ayon kay Leni Ogarte, chairperson ng Union Presidents Against Contractualization at pangulo ng Century Park Sheraton Employees Union, ang kontraktuwalisasyon ay isang mapanupil at mapanggipit na kalakarang hindi kumikilala sa job security.
Sa kaugnay na balita, sinabi ni Ronnie Luna, kasapi ng Task Force Valenzuela at vice chairman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, nabatid nila na sa 67 mga bahay kalakal sa Valenzuela, higit sa 90% ang lumalabag sa labor standards at sa occupational health and safety laws.
Ang Task Force Valenzuela ay binuo ng Department of Labor and Employment noong nakalipas na buwan at kinabibilangan ng labor standard inspectors at mga lider ng mga union matapos ang malagim na sunog sa Kentex factory na ikiansawi ng 72 katao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |