|
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, nagbitiw sa Gabinete, tinanggap na ni Pangulong Aquino
MATAPOS magbitiw sa kanyang puesto sa gabinete si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay kahapon, tinanggap ito ng Malacanang ayon kay Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr.
Magugunitang dinala ni Congresswoman (Abigail) Binay ang resignation letter ng kanyang ama kahapon sa tanggapan ni Executive Secretary Pacquito Ochoa na siyang nagdala ng liham kay Pangulong Aquino.
Ayon kay Secretary Coloma, tinawagan pa ni Pangulong Aquino si G. Binay upang humingi ng kumpirmasyon. Magiging pormal ang sagot ng Malacanang sa liham at idadaan it okay G. Ochoa.
Noong nakalipas na Nobyembre, sinabi ni Pangulong Aquino na makapagbibitiw na si G. Binay sa gabinete patapos sabihin nitong tila mali ang tinatahak na daan ng pamahalaan sa nakalipas na apat na taon.
Hindi tinatanggap ni Pangulong Aquino ang mga pagbibitiw tulad ng ginawa ni Energy Secretary Jericho Petilla noong 2013. Ito rin ang kanyang reaksyon sa pagbibitiw ni Budget Secretary Florencio Abad noong 2014.
Nagbitiw si G. Binay bilang presidential adviser on OFW affairs at bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Nagbitiw si G. Binay matapos lumiwanag noong nakalipas na linggo na hindi siya ang ii-endorso ni Pangulong Aquino para sa halalan sa 2016.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |