|
||||||||
|
||
36 ang nasawi sa lumubog na bangka sa Kabisayaan
MAY 36 katao ang nasawi mula sa bilang na 173 pasaherong sakay ng isang bangkang may pangalang Harvana. May 118 ang nakaligtas at mayroong 19 na nawawala.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, naganap ang sakuna matapos ang katanghalian sa may baybay-dagat ng Ormoc City.
Patungo sana ang bangkang de motor sa bayan ng Pilar sa Camotes Island ng maganap ang sakuna.
Ani Commander Balilo, tuloy pa ang paghahanap ng kanilang mga tauhan sa 19 na nawawalang pasahero. Malakas ang alon sa pook dahilan sa namumuong sama ng panahong nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |