|
||||||||
|
||
SAMANTALANG nagpapasalamat si Vice President Jejomar Binay sa pagkakasama sa gabinete ni Pangulong Aquino, nagreklamo naman siya na ang salaping para sa mga ahensyang sangkot sa pabahay ay inilipat sa Department of Interior and Local Government.
Sina G. Binay at Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II at tatlong iba pa ang nababalitang tatakbo sa panguluhan.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Aquino na suportado niya sa G. Binay at 'di niya maunawaan kung bakit biglang nagbitiw sa likod ng mga oportunidad na ibinigay sa kanya.
Sumagot naman ang pangalawang pangulo at nagsabing nasuklian naman niya ang pagtitiwala ng pangulo ng tapat na paglilingkod. Nagsikap siyang tulungan ang mga OFW at baguhin ang housing sector. Nalungkot si G. Binay na ang budget para sa housing agencies ay ibinigay sa DILG na hindi naman obligasyong magtayo ng bahay.
Politika umano ang nagdidikta kung sino ang bibigyan ng malaking budget lalo na ang kanilang mga kakampi. Ayon sa pangalawang pangulo, kaya siya nanatili sa gabinete ay nais niyang tulungan ang mahihirap.
Hindi umano siya nagkulang sa pagmumungkahi tulad ng kanyang paninindigan sa Zamboanga siege at sa Disbursement Acceleration Program.
Sa ulat na natawa umano si Secretary Roxas sa talumpati ni G. Binay, sumagot ang pangalawang pangulo na hindi nakakatawa ang kahirapan ng mga mamamayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |