|
||||||||
|
||
Gao Xiaosong
|
Siyempre, ang mga magandang soundtrack ay mahalagang bahagi ng pelikula. Pakinggan natin ang isang awitin ng pelikulang "Rainbow." Ito ay pinamagatang "Across the River."Sinulat ito ni Gao Xiaosong, at inawit ni Lao Lang, isa pang miyembro ng kanyang banda.
Bukod sa pagpapataas ng sariling lebel sa musika, malaki ang suporta niya sa mga bagong mang-aawit.
Sina Gao Xiaosong at Yico Tseng
Si Yico Tseng ay isang babaeng lumahok sa Happy Girl. Marami ang pagtikos sa kanya dahil medyo strange ang kanyang kanta. Ngunit, malaki ang suporta ni Gao sa kanya. Aniya, kaunti na ngayon sa Tsina ang mga babaeng lumilikha ng sariling kanta at gumagamit ng gitara. Pagkaraan ng kontest, si Gao ay naging guro ni Yico at producer ng kanyang album.
Mula noon, si Gao ay naging aktibo sa maraming TV program. Halimbawa, siya ay naging miyembro ng jury ng "Qi Pa Shuo," isang TV debate show, at host ng "Xiao Song Qi Tan," isa kilalang talk show.
Noong nagdaang Hunyo, kauna-unahang inilabas sa QQ Video ang documentary na pinamagatang "Confession ni Kai-fu Lee." Ang documentary na ito ay idinirehe ni Gao Xiaosong, at si Kai-fu Lee ay dating Pangalawang CEO ng Google at Microsoft.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |