|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mamasapano incident, malaki ang epekto sa Bangsamoro Basic Law

AMBASSADOR ASIF AHMAD UMAASANG MAGTATAGUMPAY ANG BBL. Ito ang sinabi ni Ambassador Ahmad (dulong kaliwa) sa isang panayam sa isang pagdiriwang sa kanyang tahanan sa Forbes park kamakailan. Kung hindi lamang naganap ang Mamasapano incident. hindi sana nagkaroon ng agam-agam ang ilang mga Filipino. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si British Ambassador Asif Ahmad, isa sa mga nagtataguyod ng Bangsamoro Basic Law na maganda na sana ang pagtanggap ng mga mamamayan sa panukalang batas.
Naganap lamang ang sagupaan sa Mamasapano sa Maguindanao na ikinasawi ng 44 na tauhan ng Philippine National Police Special Action Force, 17 mga guerilya ng Moro islamic Liberation Front at limang sibiliyan.
Sa isang panayam, sinabi ni Ambassador Ahmad na ang naganap sa Mamasapano ang naging balakid sa madaliang pagpapasa ng panukalang batas na inaasahang magdadala ng kaunlaran sa mga nasasakupan ng mga MILF. Ang lahat ng mga isyung may kinalaman sa Bangsamoro Basic Law ay nauwi sa pagtanggi ng mga mamamayan mula sa Luzon at ilang bahagi ng Kabisayaan at mananakang pook sa Mindanao.
Higit umanong titingkad at gaganda ang pagpapanday ng batas kung karamihan ng mga mambabatas ay lalahok sa debate.
Mahalaga ang panukalang batas para sa kinabukasan ng Pilipinas, dagdag pa ni Ambassador Ahmad tulad ng mga unang taon ng pag-uusap ng mga taga-Ireland. Naging matagal ang mga pag-uusap ng magkabilang-panig subalit natapos din at nauwi sa kapayapaan.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |