|
||||||||
|
||
150804melo.mp3
|
Information Technology at BPOs, may $ 18.9 bilyon at higit sa isang milyong trabaho noong 2014
IT AT BPOS, HIGIT NA SUMISIGLA. Mas maganda ang naging performance ng information technology at business process outsourcing noon 2014. Ito ang bingeing-pansin ni G. Jose Mari Mercado, Pangulo at Chief Executive Officer ng IBPAP sa isang press briefing para sa napipintong pagpupulong sa ika-5 at ika-6 ng Oktubre sa Maynila. (Melo M. Acuna)
LUMAGO ang information technology at business process outsourcing sa Pilipinas noong nakalipas na taon. Ayon kay G. Jose Mari Mercado, Pangulo at Chief Executive Officer ng Information Technology and Busines Process Association of the Philippines (IBPAP), nakapag-ambag ang kanilang industriya ng 6.3% sa Gross Domestic Product ng Pilipinas sa kanilang kinitang $18.9 bilyon at pagkakaloob ng hanapbuhay sa may isang milyon at tatlumpung libong manggagawa noong 2014.
Sa isang press briefing bilang paghahanda para sa darating na pagpupulong sa ikalima at anim ng Oktubre, sinabi ni G. Mercado na makakamtan nila ang mithing $25 bilyon at trabaho para sa may 1.3 manggagawa sa susunod na taon.
Umaasa silang mahihigitan ang bilang ng mga dadalo sa dalawang araw na pulong sa kanilang natatanggap na kumpirmasyon mula sa mga delegado sa South Africa, India, Estados Unidos, Australia, New Zealnd, Korea at ilang mga bansa sa Timog America.
Mahalaga ang papel ng Pilipinas sa larangan ng information technology at BPOs kaya't maraming nagtatanong kung anong ginawa ng bansa upang makamtan ang liderato sa industriya. Kung noong 2014 ay nagkaroon ng 549 na delegado, mas marami ang inaasahang dadalo ngayong taon, kasama na ang karagdagang exhibitors kaya't inilipat nila ang pagpupulong at idaraos na ito sa Marriott Hotel Manila sa may Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Samantala, sinabi naman ni G. Benedict Hernandez, Chairman ng executive committee na lumalago ang industriya mula sa 15 hanggang 18% sa bawat taon kaya't madaling makakamtan ang kanilang target sa 2016 tulad ng binanggit ni G. Mercado.
Maganda ang potensyal ng industriya sa paglago ng kalakal sa contact center, healthcare, software at game development, dagdag pa ni G. Hernandez.
Ang mga business process outsourcing industry ang pangalawa sa foreign remittances na nagpapalago ng ekonomiya. Noong 2014, ang foreign remittances ay umabot sa $ 24.3 bilyon ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |