|
||||||||
|
||
Arirang
|
Dito sa Tsina, mahigit 2 milyon ang populasyon ng minoryang Korean, at karamihan sa kanila ay nakatira sa gawing Hilagang Silangan ng bansa. Dahil sila ay malapit sa Korean Peninsula, malaki ang kanilang ugnayan sa kasaysayan ng Korean Peninsula. Sa katotohan, ang mga Xian Zu ay mga tunay na Koreanong lumikas mula sa Korean Peninsula, 300 taon na ang nakararaan.
May talento sa musika ang mga minoryang Korean. Marami sa kanila ang mga musikero at dancer. Pagtutuunan ngayon natin ng pansin ang hinggil sa isang bandang kung tawagin ay "Arirang." Ang bandang ito ay binubuo ng 4 na lalaking mula sa Korean Autonomous Prefecture ng Yanbian, Lalawigang Jilin. Sila ay sina Jin Zenan, Jin Runji, Quan He, at Zhang Jinyou. Sila ay magkakaklase at matalik na magkakaibigan. Sila rin ay pawang mahilig sa modern dance.
Ang "Arirang" ay isang kilalang folk song ng Hilagang Korea, ang edited version ng folk song na ito ay naging masterpiece ng bandang Arirang. Sinabi ng banda na, kahit ang major nila ay may kinalaman sa tradisyonal na sayaw, gustung-gusto nila ang mga mordenong sayaw. Anila, sa mga ball ng paaralan, lagi silang sumasayaw ng mga modernong sayaw bagama't hindi sang-ayon ditto ang ibang tao.
Kahit naging kilala ang "Arirang" dahil sa isang folk song, sa katotohanan, mahilig sila sa electronic at modern music. Sa ngayon, matagumpay na ang Arirang, pero, sa simula, mahirap ang kanilang pinagdaanan. Noong 2000, sa kauna-unahang pagkakataon, ang 4 na lalaki ay dumating ng Beijing. Sa panahong iyan, wala silang trabaho, walang pera at walang lugar para sa pagsasanay ng kanta at sayaw.
Hanggang noong 2002, natamo ng Arirang ang silver award sa CCTV Youth Singers Competition. Dahil dito, sila ay naging kilala. Ang CCTV ay pinakamalaking TV Station sa Tsina, pinanonood ng maraming tao ang kompetisyong ito. Mula noon, dumami ang kanilang pagkakataon ng pagtatanghal sa TV o iba pang lugar, at bumuti ang kanilang kalagayan. Noong 2009, dahil sa pagtatagumpay ng awit "Lan Hua Zhi," mas maraming tao ang humanga sa Arirang.
Noong 2011, naganap ang sakuna sa Arirang band. Kinidnap si Zhang Jinyou, isang myembro ng Arirang. Pagkaraang mawala siya nang 3 buwan, kinumpirma ni Jin Zenan, lead singer ng band na pinalaya na si Zhang, pero, grabeng nasugatan si Zhang at hindi na siya maaring maging miyembro ng banda. Kaya, mula noon, 3 na lamang ang miyembro ng Arirang band. Pero, anila, si Zhang ay miyembro ng band forever, kaya susuportahan at aalagaan siya ng natitirang 3 miyembro.
Gayunpaman, noong Oktubre ng taong 2013, naghiwa-hiwalay ang iba pang 3 miyembro ng Arirang. Walang sinumang may-alam kung ano ang nangyari. Sa kasalukuyan, si Jin Runji ang may pinakamagandang career sa mga dating miyembro ng band. Sa second season ng "The Voice of China" noong isang taon, siya ay naging kampeon. Ang "The Voice of China" ay popular na TV show noong isang taon, kaya, muling sumikat si Jin Runji. Ang boses ni Jin ay may espesyal na katangian, ang kanyang estilo ay parang African-American singer.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |