Senador Grace Poe, haharap sa bayan bukas
BUKAS ng ika-anim ng gabi haharap si Senador Grace Poe sa mga mamamayan hinggil sa kanyang magiging desisyon sa larangan ng politika. May mga lumalabas na balitang bukas niya idideklara ang kanyang pagtakbo sa panguluhan sa Mayo 2016.
Ayon sa paanyayang mula sa kanyang tanggapan, magsisimula ang palatuntunan sa ganap na ika-apat ng hapon at magsasalita si Senador Poe sa ganap na alas-seis ng gabi.
Gagawin ito sa UP Bahay ng Alumni sa Diliman, Quezon City. Magkakaroon pa ng mga sasakyan ang mga mamamahayag na magmumula sa Senado sa ganap na ala-una y media at alas-dos y media.
1 2 3 4