Isa pang kalihim nagbitiw
NAGBITIW na sa kanyang puwesto si Secretary Francis "Kiko" Pangilinan bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization.
Ayon sa Malacanang, nagbitiw na nga sa kanyang posisyon si G. Pangilinan. Tumangging magsalita ang nagbitiw kung may koneksyon sa darating na halalan ang kanyang pagbibitiw.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na magkakabisa ang pagbibitiw ni G. Pangilinan sa Miyerkoles, huling araw ng Setyembre.
Nagpasalamat si Pangulong Aquino sa mga nagawa ni Kalihim Pangilinan, dagdag pa ni G. Coloma.
Noong nakalipas na linggo, nagbitiw si Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, ilang linggo na lamang bago sumapit ang Asia-Pacific Economic Cooperation leaders' summit sa Nobyembre.
1 2 3 4