Philippine Economic Briefing gagawin sa huling araw ng Setyembre
IDARAOS sa Miyerkoles, huling araw ng Setyembre ang Philippine Economic Briefing na pamumunuan ni Bangko Sentral Governor Amando Tetangco, Jr. Bibigyang-diin ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan ang paksang Macroeconomic Developments at papel ng Human Capital Development and Infrastructure.
Isang paksang pag-uusapan ang tungkol sa paggamit ng kakayahan ng mga Filipino at pakikinabang sa tinaguriang democgraphic dividents.
Magiging panauhing tagapagsalita si G. Noriako Niwa, ang chief representative ng Japan International Cooperation Agency sa Pilipinas sa paksang pagpapapayabong ng mga pagawaing bayan at panunustos sa mga proyekto.
Magsasalita rin si Cabinet Secretary Rene Almendras sa pagtatapos ng talakayan.
1 2 3 4