|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kahirapan, nakaka-apekto sa kalusugan
ANG kakulangan ng sapat na kita ang isa sa dahilan kung bakit sustansya ang mga kabataang nag-aaral ay kulang.
Ayon kay Dr. Leonora Panlasiqui, Dekana ng School of Nutrition ng Philippine Women's University sa Maynila, may ulat na ang Food and Nutrition Research Institute na unti-unting nabawasan ang pagkain ng prutas ng mga mag-aaral sa buong bansa sa nakalipas na ilang dekada.
Idinagdag pa niya na mula noong 1978, bumaba ang pagkain ng prutas ng mga kabataan ng may halos 50%. Kung ihahambing ang katayuan ng mga kabataan sa Pilipinas sa ibang mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), halos magkakahalintulad lamang ang kalagayan ng mga kabataan sa rehiyon.
Kung ihahambing ang mga kabataang Filipino sa mga Vietnames, mas aktibo ang mga Vietnames kaya't bihira sa kanila ang mga matataba o obese. Sa kanyang pag-aaral na nalathala sa Journal of Nutrition and Metabolism, nabatid na may koneksyon ang pagkakaroon ng sapat na bitamina at mineral sa paglaki ng mga kabataan na nahaharap sa impeksyon at mga karamdaman. Mahalagang makasama ang prutas sa regular na pagkain.
Nairekomenda ang pinya sapagkat may pinakamataas na Vitamin C content at nabibili sa iba't ibang bahagi ng bansa sa buong taon.
Binanggit din ni Dr. Panlasiqui na isang mahalagang dahilan ng pagkakabawas ng purchasing power ng salapi, naiiba ang mga prayoridad ng mga pamilyang Filipino. Iba na ang nabibiling mga paninda sa kahalintulad na halaga sa paglipas ng taon, dagdag pa ni Dr. Panlasiqui.
Isang dahilan ng pagbaba ng pagkonsumo ng prutas sa Pilipinas ay kakulangan ng sapat na impormasyon sa kahalagahan nito. Isang bagay pa ang mga patalastas na nagsusulong ng iba pagkain tulad ng instant noodles na dumami na ang tumatangkilik sa paglipas ng mga taon.
Nagiging prayoridad rin ng mga pamilyang Pilipino ang paglalaan ng mumunting salapi sa kanilang panibagong bisyo tulad ng paggamit ng mobile phones.
Sa panig ng Del Monte Philippines, ang pagkain ng 280 gramo ng pinya ay makatutulong sa pagpapayabong ng granulocytes na mahalaga sa pagkakaroon ng white blood cells na panglaban sa impkesyon at karamdaman.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |