Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, makikinabang sa pagiging punong-abala sa APEC Economic Leaders Meeting

(GMT+08:00) 2015-10-23 16:57:47       CRI

 Ito ng sinabi ni Dr. Francis Chua, dating Special Envoy to China, sa pagiging punong-abala ng Pilipinas sa APEC.  Nagsimula na ang ministerial meetings noon pang nakalipas na Disyembre ng 2014 at pinaghandaan ito ng Pilipinas, ng pamahalaan at pribadong sektor, dagdag pa ni Dr. Chua.  (Melo M. Acuna)

MABABATID ng buong daigdig na mayroong pook na handang tumanggap ng kalakal na mayroong mga taong mababait at magiging magandang pook para sa retirement.

Sinabi ni Dr. Francis Chua, dating Special Envoy to China, na kilala ang Pilipinas sa larangan ng service sector subalit may pagkakataon para sa investments sa larangan ng turismo, may likas na yaman sa pagmimina tulad ng copper at nickel sa kanilang pagdalaw at magkakaroon ng mga kabalikat sa kalakal. Mayaman din ang Pilipinas para sa mga lamang dagat.

Bagaman, may maayos na klima at mayamang lupa na kailangan ng angkop na teknolohiya para sa larangan ng pagsasaka.

Sa APEC, hindi lamang ito para sa isang linggong pagpupulong ng mga pinuno ng bansa sapagkat sinimulan ng Pilipinas maging punong-abala sa mga pagpupulong na dumadalaw sa Pilipinas upang pag-usapan ang mga kalakaran at kalakal.

Nagsimula ang unang pulong ng APEC noong Disyembre ng 2014. May nakatalagang mga Filipino na siyang tutulong sa bawat opisyal na dumarating sa bansa para sa mga buwanang pagpupulong.

Mas nakapaghanda ang Pilipinas hindi lamang sa mga pangnangailangan ng mga panauhin.

Darating ang lider ng Tsina, maging si Xi Jinping o hindi, (at) may kahilingan ang kanilang counterpart na samahan sa Tsina na magkaroon ng isang pagupulong sa Dusit Manila Hotel para sa 130 katao sa darating na ika-18 ng Nobyembre.

Magkakaroon ng mga Filipinong dadalo sa talakayan hinggil sa kalakal.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>