|
||||||||
|
||
cut151022melo.mp3
|
Simbahan, pinagtitiwalaan ng mga mamamayan; Mga Filipino, naghahanap ng mga lider ng pamahalaan at kalakal na nakikinig at may pagmamalasakit sa taongbayan
NAGHAHANAP ang mga Filipino ng mga lider ng pamahalaan at kalakal na nakikinig sa mga mamamayan at may tunay na pagmamalasakit. Ito ang lumabas sa pagsusuring napapaloob sa ika-apat na Philippine Trust Index, isang pambansang pagsusuri sa antas at mga nagsusulong na paniniwala ng mga Filipino sa pamahalaan, kalakal, mga non-government organizations, media, academe at simbahan. Pinalawak ng PTI ang pananaliksik sa paniniwala ng mga Filipino sa mga pinuno ng pamahalaan at kalakal.
Nabatid sa survey na ginawa sa may 1,600 mga Filipino mula sa iba't ibang antas ng lipunan. Pinahahalagahan ng mga mamamayan ang kakayahang makinig ng kanilang mga pinuno sa pangkalahatan at sa informed publics. Mahalaga rin ang tunay na pagmamalasakit para sa mga mamamayan. Naniniwala rin ang mga nakasama sa survey sa pagkakaroon ng strong political will ng mga mamumuno sa bansa at sa kalakal.
Sinabi ni Junie del Mundo, chief executive officer at chairman ng EON The Stakeholder Relations Group na pinahahalagahan ng mga mamamayan ang pakikipag-usap at komunikasyon upang matamo ang kanilang pagtitiwala.
Sa ginawang survey ngayong 2015, nabatid na nangunguna pa rin sa pinagtitiwalaan ng bayan ang Simbahan na kinatagpuan ng 73% ng general public at 68% ng informed public. Pangalawa ang academe na nagtamo ng 51% at 46%. Pangatlo naman ang media na kinatagpuan ng 32% at 23%. Na sa kahulihan pa rin ang pamahalaan, kalakal at non-government organizations.
Kung pagtitiwala sa pamahalaan, pinahahalagahan ng mga mamamayan ang kakayahang matiyak ang pambansang kapayapaan at seguridad. Mahalaga rin sa mga mamamayan kung tutulong ang pamahalaan masagot ang pangangailangan sa pabahay, pagkain at edukasyon, mapaangat ang ekonomiya, magbibilanggo sa mga nangulimbat na sa tauhan ng gobyerno at naghahanda ng mga komunidad para sa mga trahedya at kalamidad at nakapagbibigay ng mas magagandang hanapbuhay.
Sa larangan ng kalakal, higit na pinahahalagahan ng mga nakalahok sa survey ang nagbibigay ng maayos na pasahod at benepsiyo, patas at maayos ang pagtrato sa mga manggagawa, nagpapahusay ng uri ng produkto at mga paglilingkod, nagbabayad ng tamang buwis at maayos na pagtrato sa mga kasama.
Nangunguna sa mga pinagtitiwalaan ng mga mamamayan sa government sub-sector ang local government units. Pangalawa naman ang Korte Suprema at pangatlo ang Regional Trial Courts. Malaki ang ibinaba ng pagtitwala ng mga mamayan sa tanggapan ng pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos makatanggap ng 15% kung ihahambing sa LGUs na nagtamo ng 19% mula sa general public at 17% mula sa mga kabilang sa informed public.
Samantalang nangunguna pa rin ang telebisyon sa tinatangkilik ng mga Filipino sa larangan ng mga balita, patuloy na tumaas ang online media.
Ipinaliwanag ni Malyn Mol;ina, managing director ng Engage, ang bagong Public Affairs and Government Relations business ng EON Group na mas makabubuting pakinabangan ang lahat ng paraan sa media mula sa tradisyunal, online news sites at maging ang social media.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |