Iba't ibang pananaw, kailangan sa paglutas ng kahirapan
KAHIRAPAN MASUSURI MULA SA IBA'T IBANG PANANAW. Sinabi ni Social Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na mahalagang suriin ang kahirapan mula sa iba't ibang pananaw upang maging epektibo ang mga palatuntunang tutugon sa mga suliraning dala nito. (NEDA Photo)
NANINIWALA si Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na kailangang suriin ang mga ugat ng kahirapan sa iba't ibang panahon at pananaw. Ito ang kanyang pahayag sa isang high-level event sa Multidimensional Poverty Index sa loob ng Sustainable Development Goals kasabay ng ika-70 United Nations General Assembly sa New York.
Sa karanasan ng mga Filipino sa kahirapan, sinuri ito sa iba't ibang pananaw at pamantayan. Hindi lamang kakulangan ng kita (income) bagkos ay ang kawalan ng access sa kalusugan, edukasyon, malinis na tubig, sanitation at mas matatag na tahanan.
Nanawagan siya sa kanyang mga tagapakinig na gamitin ang multidimensional poverty measures upang makita kung paano nakaapekto ang kaunlaran sa ekonomiya sa kahirapan sa iba't ibang antas.
1 2 3