Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, makikinabang sa pagiging punong-abala sa APEC Economic Leaders Meeting

(GMT+08:00) 2015-10-23 16:57:47       CRI

Philippine Business Congress tatalakay sa mga problema ng mga mangangalakal

MGA RESOLUSYON NG MGA MANGANGALAKAL, IBIBIGAY KAY PANGULONG AQUINO.  Tiniyak ni dating Ambassador Donald Dee na ibibigay nila ang mga resolusyong maiipon sa 41st Philippine Business Conference and Exposition sa Lunes at Martes kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.  Kasama rito ang kahilingang ipasa ang mga panukalang batas na nabibimbin sa Kongreso at Senado.  (Melo M. Acuna)  

PAG-UUSAPAN sa susunod na Lunes at Martes, ika-26 at ika-27 ng Oktubre, ang mga problema ng mga mangangalakal sa Pilipinas sa ika-41 Philippine Business Conference and Expo sa Grand Ballroom ng Marriot Hotel sa Pasay City.

Sa isang press briefing, sinabi nina G. Alfredo Yao (pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry) na katatampukan ito ng mga kinatawan ng may 112 chapter at 39 na business councils at higit sa 100 asosasyon ng mga mangangalakal mula sa buong bansa.

Nakatakdang magsalita sa unang araw ng pulong si Vice President Jejomar C. Binay sa kahalagahan ng pagtutulungan upang makatugon sa global competitiveness. Kasama ring magsasalita sina Philip Kucharski, ang Chief Operating Officer ng International Chamber of Commerce. Panauhin din si Minister of Commerce and Industry Rishad Bathuideen ng Sri Lanka.

Sa ikalawang araw, sa hapunan, darating si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na siyang panauhing pandangal.

Ibibigay ng bumubuo ng pamunuan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry ang kanilang mga resolusyong mula sa mga talakayan sa unang dalawang araw na pagpupulong.

Sinabi nina dating Ambassador Donald Dee na kanilang pagsusuri, "work-in-progress" ang mga resolusyong ibinigay kay Pangulong Aquino noong nakalipas na taon sa pagpupulong sa Manila Hotel.

Ipinaliwanag niya na sa lahat ng mga pamahalaan mula pa noong panahon nina Pangulong Fidel V. Ramos, Joseph E. Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at maging kay Pangulong Aquino ay pawang 40% lamang ang natutupad.

Kailangang maipasa ang Customs Modernization Act, pagbuo ng Department of Information and Communication Technology, Public Private Partnership Act, Energy Reduction Act, Income Tax Reform Act at Plastic Bags Act at pagpayag na gumamit ng incenterators sa mga pamahalaang local.

Isang problema pa ang pagkakaroon ng mga programang hindi naman naipatutupad, tulad ng pagbabawal sa mga mapapanganib na kemikal. Hindi naman maipatupad ang mga programang ito dahil sa kakulangan ng mga tauhan tulad halimbawa ng Food and Drug Administration.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>