Kapatiran, hindi lalahok sa halalan sa 2016
ISANG mapayapang paraan ng pagpaparating ng hinaing ang gagawin ng Kapatiran Party at ito ay ang hindi paglahok sa darating na halalan. Kahit pa layunin ng darating na halalan na magkaroon ng pagbabago sa ldierato, nahaharap pa rin ang mga mamamayan sa kahlintulad na sakit, pagdurusa na naging napakabigat pasanin.
Ayon kay G. Norman Cabrera, pangulo ng Kapatiran sa patuloy na paglahok sa halalan, wala namang nakitang anumang pagbabago. Ang uri ng politika at kultura ang dahilan ng paghihirap ng madla.
Mas makabubuting magkaroon ng system change sa halalan kaya't nananawagan sila na mag-boycot ang mga botante sa darating na eleksyon.
1 2 3 4 5