|
||||||||
|
||
Nagbubulag-bulagan ang Commission on Human Rights
KINONDENA ng militanteng grupong Bayan ang Commission on Human Rights sa pagbubulag-bulagan sa mga paglabag na ginagawa ng mga militar sa mga lumad o mga katutubo mula sa Mindanao.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes na ang CHR ay nararapat magsiyasat sa OPlan Bayanihan ng Armed Forces of the Philippines, ang anti-insurgency program ng pamahalaan.
Ipinaliwanag pa ni Reyes na sa kapabayaan ng Commission on Human Rights, tila nawawalan ng pananagutan ang AFP sa mga pagpaslang na naganap sa kabundukan ng Mindanao kamakailan.
Pinalalabas umano na napapagitna ang mga lumad sa labanan ng mga kawal at mga rebelled samantalang ang mga katutubo mismo ang nagiging biktima ng mga militar.
Nararapat lamang kilalanin ng CHR ang kagagawan ng AFP sa counter-insurgency campaign at ang pagkakapahamak sa mga lumad kaya't libu-libo na ang lumikas sa kanilang mga tahanan.
Ito ang tugon ni G. Reyes sa pahayag ng CHR na ang mga gerilyang NPA at mga kawal ng pamahalaan ang abala sa pangangalap ng mga lumad bilang kani-kanilang mga mandirigma.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |