Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Report: (Laglag-Bala sa Paliparan): Paghahanda para sa APEC ginagawa na; flight cancelations tila 'di maiiwasan

(GMT+08:00) 2015-11-03 17:44:30       CRI

LIBU-LIBONG FILIPINO ANG UMAALIS SA BAWAT ARAW. Makikita ang mga pasaherong sasakay ng eroplano patungo sa Saudi Arabia upang magtrabaho. Higit sa 5,000 mga Filipino ang nangingibang-bansa araw-araw kaya't inaasahang aabot sa US$ 25 bilyon ang kanilang maipadadala pauwi sa Pilipinas ngayong 2015. (Melo M. Acuna)

GENERAL MANAGER JOSE ANGEL HONRADO: Ginagawa namin ang lahat para sa ligtas na pagdating at paglalakbay ng lahat ng mga pasahero, kabilang na ang mga dadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa ikatlong linggo ng Nobyembre. Sa isang panayam, sinabi ni General Honrado, ng Manila International Airport Authority na hindi na saklaw ng kanyang tanggapan ang Office of Transport Security sapagkat sakop na ito ng Department of Transportation and Communications. Bagaman, naniniwala si General Honrado na matatapos ang "laglag-bala scam" sa pagtutulungan ng iba't ibang ahensya. (Melo M. Acuna)

Sa oras na may makitang kakaiba ang screener, tinatawagan ng pansin ang may bagahe at ipinakikita ang imahen ng ipinagbabawal na kargamento sa loob ng bag. Dadalhin sa inspection table at mismong ang may-ari ng bagahe ang hihilingang buksan ang bagahe.

Pag nabuksan na ang kargamento at natagpuan ang bala o anumang ipinagbabawal na kargamento, dito tatawagan ng pansin ang tauhan ng Philippine National Police.

Ilang beses na umano niyang inanyayahan ang mga taga-media upang masdan ang kalakaran at mabatid kung saan mayroong pagkukulang.

Wala na sa kanilang hurisdiksyon ang Office of Transport Security mula pa noong 2004 o 2006 sa desisyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos itong ilipat sa Department of Transportation and Communications.

Ayon kay General Honrado, gawain ng OTS ang pagtatalaga ng mga x-ray screeners sa mga paliparan. Inalis na rin ang mga pulis na kasama hanggang 2012 sapagkat sa sumapat na ang kanilang mga tauhan sa paliparan. Tumanggi siyang magbigay ng pahayag kung saan na nakarating ang pagsisiyasat sapagkat ginagawa ng ng DoTC ang kanilang imbestigasyon.

Kahapon ay nanawagan na rin si Bishop Ruperto Santos ng Balanga na siya ring chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa pamahalaan na siyasatin ang laglag-bala incidents sa paliparang pandaigdig ng Ninoy Aquino.

Ayon kay Dario Mortera na isang manggagawang patungong Saudi Arabia na wala siyang anumang problema sa pagpasok sa paliparan sapagkat malinis ang kanyang konsensyang wala siyang dalang bala.

Kapuna-puna sa mga check-in luggages ng mga Pilipinong palabas ng bansa ang pagbabalot ng masking tape at plastic wraps.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>