|
||||||||
|
||
Special Feature
Ang Baao Community Choir – mga kabataang naghahatid ng magagandang himig sa daigdig
NAGHAHANDA ANG MGA KASAPI NG BAAO COMMUNITY CHOIR. Nagsasanay ang mg kabataang kasapi sa Baao Community Choir na natampok sa ilang pandaigdigang patimpalak sa mga nakalipas na taon. (Melo M. Acuna)
NAGHAHANDA na ang halos 30 mga kabataang kasama sa Baao Community Choir para sa kanilang pag-awit sa idaraos na Misa ng Pagsilang ng Dakilang Mananakop ngayong gabi.
Ayon kay Bb. Ma. Eusebia Badilla Gaite, ang bumuo ng koro ng mga kabataan, may karanasan na silang magkakapatid na makalahok sa mga patimpalak noong kabataan pa lamang nila.
Nang itatag ang Rosary School, Inc., sinimulan nilang sanayin ang kanilang mga mag-aaral sa larangan ng pag-awit at noong 2004, nakalahok sila sa pambansang paligsahang itinaguyod ng National Commission for Culture and the Arts.
PAGLAHOK SA IBA PANG TIMPALAK, PINAG-AARALAN PA. Sinabi ni Bb. Ma. Eusebia Gaite na sa oas na makatanggap sila ng tulong mula sa Pamahalaang Pambansa, makalalahok sila sa patimpalak sa Canada at maikapagtatanghal sa Carnegie Hall sa New York sa susunod na taon. (Melo M. Acuna)
Mula sa 16 na rehiyon, nakamtan nila ang ika-anim na puesto at hindi nagtagal, noong 2007, nakuha nila ang ika-apat na puesto. Pagsapit ng taong 2010 sapagkat idinaraos ang patimpalak sa bawat tatlong taon, sila ang itinanghal na kampeon.
Pinalawak na nila ang pinagmulan ng mga kasapi sa koro at tunaggap ng mga mang-aawit mula sa Baao National High School na mayroong espesyal na palatuntunan para sa Sining, Baao Central School at ang San Vicente Elementary School.
MILYONG MGA FILIPINO, DUMAGSA SA SIMBAHAN SA MIDNIGHT MASS. Libu-libong mga mamamayan ang nagtungo sa St. Bartholomew Parish compound para sa tradisyunal na Simbang Gabi ng Pagsilang ng Panginoon sa Baao, Camarines Sur. Naulit ang pagkakataong ito sa libu-libong mga simbahan sa buong Pilipinas. (Jp Acuna)
Lumahok sila sa "International Choral Contest Habaneras and Polyphony" sa Torrevieja, Spain at naitanghal na kampeon noong 2012. Lumahok na naman sila sa National Children's Choir competition ng NCCA sa Pilipinas at nagwaging muli bialng kampeon.
Naglakbay na rin ang mga kabataan mula sa Baao sa Estados Unidos at maging sa Mexico at nagtanghal sa mga komunidad ng mga Filipino.
FR. LOUIE OCCIANO, NAMUNO SA MISA SA BAAO. Pinamunuan ni Fr. Louie Occiano ang Misa sa Patio ni San Bartolomeo sa Baao, Camarines Sur kagabi kasabay ng malamig na simoy ng hangin at maliwanag na buwan. (Jp Acuna)
Lumahok sila sa Busan Choral Festival and Competition nitong taong 2015 at napagwagian ang Youth at Audience First Prizes at Second Place sa Ethnic Category.
Ayon kay Bb. Gaite, suportado sila ng pamahalaang lokal ng Baao at ng Department of Education Camarines Sur at Bicol Region. Nagbabalak silang lumahok sa isang patimpalak sa Canada sa susunod na taon at pinag-aaralan nilang umawit sa Carnegie Hall sa New York.
TRADISYUNAL NA PAGPAPAHALIK SA IMAHEN NG ANAL NA SANGGOL GINAWANG MULI. Makikita ang mga lay minister na hawak ang imagen ng Banal na Sanggol na pinahahalikan sa mga mananampalataya pagkatapos ng Misa. Isang tradisyon tong kinagisnan ng mga Filipino sa paglipas ng lang daang taon.
Umaasa silang masusuportahan ng Pamahalaang Pambansa ng Pilipinas ang kanilang mga napipintong paglahok sa mga pandaigdigang pagtitipon.
Samantala, abala sila sa pagbibigay ng buhay sa mga pagdiriwang sa Simbahan ni San Bartolomeo sa Baao, Camarines Sur ngayong Kapaskuhan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |