|
||||||||
|
||
20151217 Melo Acuna
|
MAGANDA ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas kahit pa may mga problema sa loob at labas ng bansa. Ito ang sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na may annual averaga na 6.2% growth ang bansa mula noong 2010 hanggang 2014.
Sa isang press briefing, sinabi ni Secretary Balisacan na ito ang pinakamataas na five-year average growth mula noong dekada sitenta.
Umaasa rin siyang sa nakamtan ng bansang economic growth sa nakalipas na tatlong kwarter ay makakamit pa rin ang economic target para sa 2015.
EKONOMIYA NG PILIPINAS, MATATAG PA RIN. Sinabi ni Secretary Arsenio M. Balisacan na matatag pa rin ang ekonomiya ng bansa sa liked ng mga internal at external factors. Malaki rin ang talong mula sa foreign remittances and matibay pa rin ang business process outsourcing.
Makakamtan din ng Pilipinas ang matagal nang minimithing kaunlaran sapagkat may mga repormang ipinatupad ang pamahalaan kasabay ng matagalang investments sa mga pagawaing-bayan.
Mababa ang nakamtang kaunlaran na umabot lamang sa 3.7% noong 2011 dahil sa external events na puminsala sa pandaigdigang supply chain kabilang na ang tsunami sa Japan, pagbaha sa Thailand at ang kawalang katiyakan sa mga bansang na sa Gitnang Silangan at maging sa Africa. Naramdaman din ang epekto ng Euro crisis kasabay ng mabagal na pagbawi mula sa financial crisis.
Dagliang nakabawi ang Pilipinas sapagkat nakamtan ang 6.7% growth rate noong 2012 at lumago pa sa 7.1% noong 2013 kahit pa hinaggupit ng napakalakas na bagyo at lindol, Ang matatag na paggasta ng mga mamamayan ang nagpa-unlad sa ekonomiya ng bansa, dagdag pa niya.
Sa taong 2015, may average growth rate na 5.6% sa unang siyam na buwan at nagkaroon ng 6.0% growth sa huling tatlong buwan dahil sa malakas na domestic demand, mas maraming trabaho at mas maraming public at private investments. Pang-apat ang Pilipinas sa India, Tsina at Vietnam.
Lumalakas naman ang industry at manufacturing sectors at nakita ito sa walong magkakasunod na quarter mula noong ikalawang bahagi ng 2012 hanggang 2014. Ang services sector, partikular ang IT-Business Process Management ay nanatiling matatag. Nakabawi na rin ang tourism sector sa malakas na lindol sa Bohol at Cebu at maging sa hagupit ng bagyong "Yolanda."
Ipinagmalaki ni G. Balisacan ang pag-angat ng Pilipinas mula sa ika-85 noong 2010 ay nakamtan na ang ika-47 puesto sa World Economic Forum Global Competitiveness Report.
Marami pang nararapat gawin, dagdag pa ni G. Balisacan tulad ng patuloy na pagbabawas ng bilang ng mahihirap na Filipino, pagkakaroon ng universal access sa kalusugan, pagpapa-unlad ng completion rate ng mga bata sa primary school at pagpapa-unlad ng literacy rate sa mga Filipino mula 15 hanggang 24 na taong gulang.
Bumaba rin ang bilang ng mga Filipinong walang hanapbuhay, ang pinakamababa sa sampung taon sa 5.7 percent.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |