|
||||||||
|
||
SA ika-anim na pagtama sa lupa ni "Nona" kaninang ala-una ng madaling araw sa Lubang Island, Occidental Mindoro, humina na ito tungo sa South China Sea.
Ayon kay Aldczar Aurelio ng PAGASA, tumama si "Nona" sa lupa mga ala-una ng madaling araw. Huling nakita ang sama ng panahon may 90 kilometro sa kanluran ng Ternate, Cavite at gumagapang tungo sa kanluran, huling kanluran sa bilis na pitong kilometro bawat oras.
Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Bataan, Southern Zambales, Cavite, Batangas at Lubang Island.
Nakataas naman ang Signal No. 1 sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Zambales, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Rizal, Laguna, Northern Occidental Mindiro at Northern Oriental Mindoro.
Naglabas din ang PAGASA ng heavy rainfall alert o yellow alert sa Metro Manila, Bataan, Pampanga, Bulacan, Zambales, Cavite, Tarlac, Batangas at Quezon mga ikalabing-dalawa't kalahati ng tanghali. Sa ilalim ng yellow rainfall advisory, uulan ng mga 7.5 milimetro at 15 milimetrong ulan sa loob ng isang oras at magpapatuloy sa susunod na dalawang oras.
Lima katao na ang nabalitang nasawi sa bagyo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |