|
||||||||
|
||
Rehabilitasyon ng mga tinamaan ni "Yolanda" magtatapos na
MABAGAL man subalit magtatapos na ang rehabiltiasyon ng mga pook na lubhang napinsala ng bagyong "Yolanda" noong 2013.
Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na kasama nila ang pribadong sektor at ang non-government organizations, at ang karamihan ng mga proyekto ang magtatapos ngayong papasok na 2016.
Higit na matitibay na komunidad ang kanilang binubuo sa Kabisayaan at sa MIMAROPA ayon sa taguring "Build Back Better."
Hanggang noong nakalipas na ika-15 ng Nobyembre, nakapamahagi na sila ng 339,745 na learning kits sa mga apektadong paaralan. May 35 sa 37 ng mga napinsalang paliparan ang kaniang naayos para sa 94.6% completion.
May 295 mula sa 309 bayan ang naayos nang mga civic center, munisipyo at palengke para sa 95.5% accomplishment. Natapos na ang 89.21% mula sa target na 1,852.53 lineal meters ng mga napinsalang mga tulay ang naayos na. Natapos na rin ang may 72.4% ng mga napinsalang national roads o 77.9 kilometro mula sa 107.6 kilometro.
Ibinalita rin ni Secretary Balisacan na nakinabang na sa pamamagitan ng Emergency Shelter Assistance ang may 788,747 households mula sa target na 1,033,827 pamilya o 76.3 %. Ang mga pamilyang may bahagyang pinsalang natamo ay nakatanggap ng P10,000 cash o materyales. Ang mga pamilyang nawalan ng tahanan ay nakatanggap ng P30,000 cash o materyales.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |