|
||||||||
|
||
KASUNOD ng desisyon ng Korte Suprema na walang nilalabag na probisyon ng Saligang Bayas ng Pilipinas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement, pag-uusapan na ng Estados Unidos at Pilipinas ang pagpapatupad nito.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Assistant Secretary Charles Jose na pinagbawalan ang magkabilang-panig na ipatupad ang nilalaman nito hanggang sa magdesisyon ang Korte Suprema. Ipagpapatuloy na ang talakayan sa Estados Unidos upang maipatupad ang nilalaman nito (ng kasunduan).
Ayon kay G. Jose na tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs na inaasahan na ng America ang desisyon. Sa desisyon, magkakaroon ng pagkakataong makapasok ang mga Amerikano sa mga kampo ng militar sa bansa nang hindi na magtatayo ng kanilang sariling base militar.
Makakatugon din kaagad ang Pilipinas sa anumang trahedya. Makakapagligtas ng buhay ang ganitong kasunduan, dagdag pa ni G. Jose.
Sa ilalim ng EDCA, papayagan ang mga Americano na makapagtayo ng mga tulay at lansangan na magiging pag-aari ng Pilipinas.
Isang lupon ang mabubuo upang magbalik-aral at mag-ayos ng detalyes at pagpapatupad ng kasunduan sa bawat pagkilos ng mga America.
Na sa Estados Unidos sina Secretary Albert F. del Rosario at Defense Secretary Voltaire Gazmin at nakausap na kahapon sina US Secretary of Statew John Kerry at US Secretary of Defense Ashton Carter sa Washington. Naging paksa nila ang mga isyu sa pagitan ng Pilipinas at America at pandaigdigang mga usapin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |