Programa sa posibleng paglilikas, kailangang suriin
HINILING ni Vice President Jejomar C. Binay sa mga embahada ng Pilipinas sa Gitnang Silangan na maghanda at pagbalik-aralan ang mga balak sa pagpapa-uwi sa mga manggagawa kung lumala ang hidwaan ng Saudi Arabia at Iran.
Ani G. Binay, kailangan itong mapaghandaan na sa pinakamadaling panahon. Idinagdag pa ng pangalawang pangulo na mayroong sapat na salapi para sa mga emerhensya at batid ng mga embahada na magagamit ito kung lumala ang situwasyon.
Tiniyak din ni G. Binay sa higit sa 800,000 mga Filipino sa United Arab Emirates na mananatili silang ligtas kahit pa nag-iiringan ang Saudi Arabia at Iran. Handa umano ang embahada ng Pilipinas sa UAE sa anumang maaaring maganap.
1 2 3