Palatuntunan upang masugpo ang masamang gawi sa recruitment, ilulunsad
MAGKAKAROON ng pinag-ibayo at mas masigasig na programa upang mapigil ang masamang gawi sa recruitment ng mga manggagawa mula sa apat na bansa.
Gagawin ito ng International Labor Organization ngayong taon at nakatuon ang pansin sa mga bansa ng Tunisia, Jordan, Nepal at Pilipinas. Sa panayam kina Bb. Alix Nasri, technical officer sa Special Action Program to Combat Forced Labour at Elene Harroff-Tavel, programme and operations officer ng Labour Migration Branch, nabatid na isusulong ng programa ang "fair recruitment initiatives" sa Hilagang Africa, Gitnang Silangan at Asia.
Sa programang ilulunsad, layunin nilang maibsan ang mga pag-abuso at pagpapahirap sa mga manggagawang migrante. Magkakaroon din ng kakulang impormasyon at pinag-ibayong paglilingkod para sa mga migranteng manggagawa at magsasagawa ng pananaliksik at magpaparating ng mahahalagang bagay sa tinaguriang ethical recruitment.
Magsasama-sama ang mga kinatawan ng pamahalaan, trade union, employers' organization at mga mamamahayag. Binuno ang palatuntunan ng mga ahensyang Funademntal Principles and Rights at Work Branch at Labour Migrant (MIGRANT) Branch. Kasama sa programa ang International Trade Union Confederation, International Organization of Employers, International Confederation of Private Employment Agencies at Migrant Forum in Asia at Tufts University. Sinimulan ang programa kamakailan at magtatagal hanggang 2018.
1 2 3