|
||||||||
|
||
Malacanang, nanindigang ginawa ni Pangulong Aquino ang lahat
GINAWA ni Pangulong Aquino ang kanyang tungkulin bilang commander-in-chief at walang basehan ang sinabi ni Senador Juan Ponce Enrile na sangkot ang pangulo sa napalpak na operasyon sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 na tauhan ng PNP-Special Action Force.
Ito ang sinabi ni Communications Secretary Herminio "SonnY Coloma, Jr. Sinabi na ni Pangulong Aquino na sa kanyang pagkakabatid ay nagawa na niya ang lahat.
Ang lahat ng ito ay nabanggit na sa mga nakalipas na pagkakataon. Marami na rin umanong nagsiyasat at maraming pagkakataon na ang ginawa upang ipaliwanag ang detalyes sa madla, dagdag pa ni Kalihim Coloma.
Ito ang reaksyon ng kalihim sa pahayag ni G. Enrile na mayroon siyang ebidensya na aktibo at direktang sangkot sa pagbabalak at paghahanda para sa OPLAN Exodus na ipinatupad noong ika-25 ng Enero 2015 sa Mamasapano.
Ayon kay Senador Enrile, naka-monitor si Pangulong Aquino sa police operation samantalang sakay ng eroplano patungong Zamboanga City at walang ginawa samantalang pinapaslang ang mga tauhan ng Philippine National Police.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |