Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Abogado ni Senador Poe, inaming ginamit nga ang US passport

(GMT+08:00) 2016-01-19 17:45:27       CRI

Pangulo ng Asian Development Bank, bumati sa paglulunsad ng AIIB

NAKAPAG-USAP NA SINA ADB PRES. NAKAO AT AIIB PRESIDENT JIN. Dalawang ulit nang nag-usap sina Pangulong Takehiko Nakao ng ADB at Pangulong Jin Lijun noong 2015. Bukod sa pagaait ng ADB sa AIIB, nangako silang makikipagtulungan para sa ikauunlad ng rehiyon. Kuha ang larawang ito noong dumalaw si Pangulong Nakao sa Beijing noong Setyembre at dumalaw sa tanggapan ni Pangulong Jin. (ADB Photo)

NAGPARATING ng kanyang mainit na pagbati sa paglulunsad ng Asian Infrastructure Investment Bank sa Beijing si Asian Development Bank President Takehiko Nakao.

Sa kanyang mensahe, binati niya ang mga kasamang nagtatag ng AIIB na pinamumunuan na G. Jin Liqun, at sa mga bumubuo ng multilateral secretariat na naghahanda sa pagtatatag ng bagong institusyon.

Sa opisyal na pahayag ng Asian Development Bank, sinabi ni G. Nakao na ang ADB ay makikipagtulungan sa AIIB sa pagsuporta sa pagpapaunlad ng Asia Pacific region, sa pagkakaroon nito ng 50 taong karanasan at pagkadalubhasa at pagkakaroon ng 31 tanggapan sa mga kasaping umuunlad na bansa.

Tulad ng kanyang binanggit sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag na kabilang sa Foreign Correspondents Association of the Philippines kamakailan, sinabi ni G. Nakao na nagkita na sila ni G. Jin sa Baku noong Mayo sa taunang pagpupulong ng bangko at sa Beijing noong Setyembre.

Nagkasundo na silang pagtulungan upang mapunuan ang malaking pangangailangan sa mga pagawaing-bayan sa Asia-Pacific region, hinggil sa mahalagang papel ng pagawaing bayan sa pagkakaroon ng matatag na kaunlaran at pagbabawas ng kahirapan. Nagkasundo rin sila sa kahalagahan ng mga alituntunin upang matiyak ang environmental at social sustainability ng mga proyekto.

Tumutulong na ang ADB sa Multilateral Secretariat noong nakalipas na taon upang paghandaan ang iba't ibang alituntunin lalo't may kinalaman sa pangangalaga sa kapaligiran at lipunan at upang mapatibay ang programa sa procurement.

Sinimulan na ng ADB ang pagkilala sa potensyal ng pagbabakas ng mga proyekto sa transportasyon, renewable energy, urban concerns at sa tubig. Inihahanda na rin ang mga proyekto na pagtutulungan ng ADB at AIIB sa pagsisimula ng pagpapautang nito sa kalagitnaan ng taong 2016.

Itinatag ang ADB noong 1966 at pag-aari ng 67 kasapi na kinabibilangan ng 48 sa rehiyon.

 


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>